AYLA's POV
"Dad!" pagtawag ko sa daddy ko. Nandito na kami ngayon sa airport para sunduin sila.
Nakangiti kami na sumalubong sa isa't-isa."I missed you, Ayla." sambit ni dad na nakayakap na sa akin ngayon.
"I missed you too, dad!" sambit ko rin at gumanti ng mahigpit na yakap sa kaniya.
Bumitaw na rin naman ako sa kaniya makalipas ng ilang segundo bago ako bumaling sa lola, mama at tita ko.
"I missed you Nay! Ma!" sambit ko rin sa lola at mama ko bago ko sila niyakap.
Napabitaw lang ako yakap ko sa kanila nang mag salita na si Tita Celine.
"Aba! Ako, hindi mo ba ako na miss?!" reklamo niya na sa akin ngayon kaya natatawa akong humarap sa kaniya.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya na pagkukunwari ko pa na hindi ko siya kilala kaya naman lalo siyang na-inis.
hahahahaha...
"Sino ako?! Ay ako lang naman po 'yong pumupunta sa school para lang sunduin ka sa guidance office kapag napapa-away ka dati! Ano tanda mo na ba?!" sambit niya at pinaalala pa talaga na siya ang sumusundo sa akin tuwing napupunta ako sa guidance office kapag napapa-away ako dati.
Natawa na tuloy pati ang pamilya ko at si Javen.
"Ah, oo ikaw 'yon... pero hindi pa rin kita miss tita! Hahahaha!" malokong sagot ko naman sa kaniya at hindi na siya nakatiis pa kaya lumapit na siya sa akin at pasimple ako na kinurit sa tagiliran.
"Aray! Bakit kurit?! hug dapat ah! Hindi ka mabiro, Tita. Mag asawa ka na nga para mabawasan 'yang katarayan mo. Hahahaha!" natatawang sambit ko ulit at sasagot na ulit sana siya kaso hindi niya iyon na tuloy nang mag salita na ang lola ko.
"Tigilan niyo na 'yan. Tara na, gusto ko na makita 'yong dalawa ko pang apo." sambit ni Inay kaya lumabas na nga kami sa airport at pumunta sa mga sasakyan namin.
Umalis na kami sa Airport at dumeretso na agad kami pauwi sa bahay.
Nag-text na rin ako kanina pa kay Aycel na mag-paluto na ng lunch dahil may bisita kami, hindi pa kasi nila alam na nandito na sa Pilipinas ang mga magulang namin.Pagkadating sa bahay ay agad kaming pinagbuksan kami ng maids namin ng gate para maipasok ang sasakyan.
Pati sila ay nagulat rin nang makita na kasama ko na ang mga magulang namin pero sinabi ko sa kanila na 'wag muna sasabihin sa dalawa kong kapatid, inutos ko nalang na ibaba nila 'yong mga bagahe.
Tumuloy na kami sa loob ng bahay namin at mukhang nasa sariling mga kwarto nila iyong dalawa.
At tama nga ako dahil mamaya lang rin ay biglang lumabas si Aycel mula sa kwarto niya.
"Nakauwi ka na pala at--- Ma! Dad! You're here!" gulat na sambit niya bago patakbong lumapit sa mga magulang namin at yumakap.
"You haven't told us that you're going home!" sambit pa ni Aycel.
"Because it's a surprise, Aycel Mexillen." sarkastikong sagot naman ni Dad kaya bahagyang natawa si Aycel.
"Where's Axcel?" maya-maya'y tanong naman ni Mama.
"Nasa kwarto niya." sagot naman ni Aycel kaya nag-lakad papunta si mama sa kwarto ni Axcel, sumunod naman kami.
Kumatok si Mama sa pinto ng kwarto niya at ilang beses pa 'yon ginawa ni mama hanggang sa pag-buksan na siya ni Axcel.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...