05

276 31 0
                                    

AYLA's POV


Nag-order na kami ng kaniya-kaniya naming pagkain at umupo na ulit kami doon sa table namin palagi dito sa canteen.



Tahimik lang kaming kumakain lahat dahil alam nila na ayaw ko ng maingay kapag kumakain, pero alam ko na kating-kati na rin itong tatlo kong kaibigan na tanungin si Jaspher.







At hindi nga ako nagkamali dahil nang matapos kami kumain at nag-lalakad na kami ngayon pabalik sa classroom namin ay nag-simula na silang mag-tanong, mga usisera talaga.






"Nga pala pre, ano pangalan mo? Tinanong namin kay Ayla kaso hindi niya raw matandaan, lakas ng amnesia niyan eh... Hahahaha!" tanong ni Rine na may kasamang pang-aasar sa akin kaya napa-irap ako.



Kita ko naman na lumingon pa sa akin si Jaspher bago siya sumagot kay Rine.






"Jaspher Haven Villamin, but you can call me Jaspher." sagot ni Jaspher sa tanong ni Rine.





"mmm... Jaspher Haven, nice name!" sabat na pag-puri naman ni Erin sa pangalan nito at ngumiti lang sa kaniya ito.





"Thanks," sambit pa ni Jaspher. At mamaya naman ay si Kath na ang sunod nang nag-tanong sa kaniya.






"Transferee ka 'di ba? Saan na school ka galing?" tanong ni Kath.






"uhm... I am a transferee from University of Toronto, sa Canada." sagot ni Jaspher. Taga-Canada rin nga pala itong si Jaspher.





"Woah, rich kid!" sambit pa ni Rine sa kaniya at ngumiti lang nman siya.




Tinanong pa nila si Jaspher ng kung ano-ano hanggang sa tumigil na kami sa tapat ng classroom nang tatlong ulupong. 






"Oh, dito na pala kami! Mamaya nalang ulit Ayla!" paalam nila sa akin at tinanguan ko lang naman sila bago ako nag-patuloy sa pag-lalakad kasama si Jaspher.



Sabay kaming pumasok ni Jaspher sa classroom at umupo na ulit sa sariling silya namin.





Nagpatuloy ang klase namin at nang matapos na ang klase namin ay tumayo na kaming lahat at nagkaniya-kaniya nang labas sa classroom para umuwi.





Basta ko nalang rin niligpit at dinala ang bag ko at  nag-madali akong lumabas para puntahan ang mga kaibigan ko para ayain na sila umuwi dahil inaantok na talaga ako!





"Tara na, uwi na tayo. Inaantok na ako." sambit ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila, nanguna na rin ako papunta sa sakayan pauwi at sumunod rin naman  sila sa akin.



Pagkadating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko at nag-palit ng damit.





Pagkatapos ko mag-palit ay lumapit ako sa bag ko para kuhanin doon ang cellphone ko at earphones ko dahil gusto ko sana na makinig ng music, kaso cellphone ko lang ang nakita ko sa bag at hindi ko makita yung earphones ko! Kinalkal ko na tuloy ang bag ko para hanapin 'yon.





"Nasaan na ba kasi yun?!" parang sira na tanong ko pa sa sarili ko habang nag-hahanap pero hindi nga nag-tagal ay sumuko na rin ako dahil hindi ko talaga makita!






"hayss... huwag na nga lang! nakaka-
bwisit na mag hanap! Nawala na tuloy pati antok ko!" inis na sambit ko at nag cellphone nalang dahil hindi na nga ako inaantok.













Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon