AYLA's POV
Hindi ko inaasahan na si Jaspher ang makakapagbalik nung earphones ko, akala ko nga ay nawala na talaga iyon.
Medyo nagtaka pa rin ako kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira.
paano niya rin kaya nalaman na sa akin ito?
Hindi ko alam... pero matagal ko nang napapansin na para talagang may something sa kaniya na hindi ko matukoy.
"Hays, ewan. Bahala siya, pake ko ba." naiiling na sambit ko nalang sa sarili ko bago ko kinuha ang gitara ko at umupo sa kama at nag simulang tumugtog. Kalong ko ang gitara ko habang nag i-strum.
Tumugtog lang ako ng ilang kanta bago ako tuluyang tumigil sa pag gigitara, dahil inaantok na rin naman ako. Itinabi ko na ulit ang gitara ko bago ako nahiga. Nag-set na rin ako ng alarm at sakto naman na nakita ko sa calendar ang date ngayon. June 28.
"Ang bilis talaga ng araw, malapit na pala ang birthday ko." sambit ko sa aking sarili bago ako tuluyang nahiga para matulog.
Kinabukasan, maaga ulit akong gumising at nag handa para pumasok sa school. Gaya ng nakasanayan, sabay-sabay ulit kami ng mga kaibigan ko na pumasok sa school.
At pagdating ko sa school ay nadatnan ko na ang mga kapwa ko estudyante na mga todo practice na nung social dancing na ipe-perform namin sa friday.
Nag paulit-ulit lang iyon hanggang sa dumating na nga ang araw ng byernes, araw na ng performance naming lahat.
Nandito na ang kaming mga fourth year students sa quadrangle para manood at mag-perform.
Nag-perform na ang iba't ibang section hanggang sa tinawag na nga ang grupo namin.
Naglakad kami habang naka hawak ang mga kamay sa mga partner namin. Magkahawak-kamay kami ngayon ni Jaspher at sigurado akong ramdam niya rin ang panginginig at panlalamig ng kamay ko.
"Oy, nanginginig kamay mo, ah." mahinang sambit sa akin Jaspher, napansin niya na nga ang kamay ko gaya ng inaasahan ko.
"Huh? ah, kinakabahan kasi ako, e." pag-amin ko nalang sa kaniya dahil hindi ko naman maitatanggi ang kaba ko ngayon.
Ngayon lang naman kasi ako nakasali sa ganito, wala namang ganito dati. Daming kaartehan ngayong fourth year namin, e.
Bigla ko naman naramdaman ang pag pisil ni Jaspher sa kamay ko kaya napalingon ulit ako sa kaniya pero ngumiti lang naman siya sa akin bago kami tuluyang pumuwesto.
"Huwag kang kabahan, nandito naman ako... hindi kita pababayaan." nakangiting sambit niya pa sa akin at parang nabingi agad ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ano ba nangyayari sa akin?!
"S-salamat." tanging sambit ko nalang sa kaniya at saktong nag-simula na rin ang pag-sasayaw namin, kaya nag focus nalang talaga ako sa sayaw namin.
Rinig na rinig ko pa ang hiyawan ng mga manonood lalo na ng mga kaibigan ko, may mga torotot pa kasi ang mga loko, e!
"Whoo! Go Ayla! Go Jaspher! Galing niyo! Bagay kayo!" sigaw nang tatlo kaya naman mas nahiya ako pati si Jaspher mukhang nahihiya na rin.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Roman pour Adolescents"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...