AYLA's POV
"Hey... " bati sa akin ni Javen na may bitbit pang bouquet ng bulaklak para sa akin. Nakangiti ko rin naman siyang binati at tinanggap ang bigay niya.
"Hi, thank you for this." sambit ko.
"mmm... Tara na?" tanong niya naman sa akin ngayon at nakangiti naman akong tumango sa kaniya bago ako bumaling sa mga kapatid ko.
"Aycel, I gotta go. Keep the doors locked at kung may gusto kayo puntahan ni Axcel, mamaya nalang. I'll be back just wait for me to come home. Okay?" sambit ko sa kanila."Yeah, go ahead ate. Enjoy your date. Hahahaha!" malokong sagot naman sa akin ni Axcel kaya pinanlakihan ko agad siya ng mata pero patuloy lang siya ng pag-tawa at wala na akong nagawa pa.
Inaya ko nalang si Javen na umalis na dahil baka masaksihan niya pa ang bardugalan naming magkakapatid.
mga pasaway...
Sakay na kami ngayon sa isang magandang Mercedes-benz GLE. Iba kaysa do'n sa BMW niya kahapon. Naisip ko tuloy kung ilan na kaya ang mga kotse niya.
"Saan tayo papunta? Nag lunch ka na ba?" mayamaya ay tanong ko kay Javen para naman may mapag-usapan kami habang nag mamaneho siya. Lumingon naman siyang saglit sa akin bago sumagot.
"Hindi pa. Ikaw? do you eat lunch?" tanong niya pabalik sa akin habang ang paningin ay nasa daan pa rin.
"Hindi pa rin. Let's eat first." sambit ko naman, tumango lang naman siya sa akin at nagpatuloy sa pag mamaneho hanggang sa nakarating kami sa isang mamahaling restaurant.
Magkasama kaming tumuloy sa loob at nag hanap ng mapu-pwestuhan. At nang makakita naman kami ng pwesto ay agad akong inalalayan ni Javen papalapit do'n. Ipinaghila niya pa ako ng upuan na mauupuan ko.
"Thanks." sambit ko matapos maupo, naupo na rin naman siya sa upuan sa tapat ko. Siya na rin ang tumawag sa waitress para maka-order kami. Sinabi ko nalang naman sa kaniya kung alin ang gusto kong kainin.
At nang makaalis na ang waitress ay natahimik lang kaming dalawa.
Tahimik lang kaming dalawa, halatang nag kakahiyaan pa. Pero nabasag rin ang katahimikan na 'yon nang magsalita na siya."How's your life?" biglang tanong niya sa akin ngayon kaya napabaling ako sa kaniya.
"Okay naman. Ikaw? How's your life for the past years?" tanong ko naman rin sa kaniya.
"It goes well. Luckily, engineer na ko ngayon." sagot niya naman sa akin.
"Nice to hear that. Congrats Engineer Villamin." nakangising sambit ko naman sa kaniya ngayon kaya napangiti rin siya.
"Thanks Ms. Villafuerte, the CEO of the largest group of companies in Canada and Philippines." nakangising banggit niya rin ngayon sa akin kaya bahagya akong natawa.
"Hahahaha. Too much formality." natatawang sambit ko, nagtawanan kami.
Mayamaya lang rin naman ay dumating na ang pagkain namin. Tahimik naman kaming nag simulang kumain. At nang matapos na kami ay umalis na rin kami sa restaurant dahil mamasyal naman daw kami ni Javen.
Nag drive na ulit siya patungo sa isang hindi ko matukoy na lugar. Mukhang malayo ang pupuntahan namin kaya hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil kay Javen.
"Ayen, wake up. Nandito na tayo." pang-gigising niya sa akin at dahan-dahan naman akong nag mulat ng mga mata, bumungad naman sa akin ang perpektong mukha ni Javen kaya bahagya akong napatitig sa kaniya.
"Nandito na tayo..." pag babalik niya sa wisyo ko kaya napaayos na ako at bumaba na rin sa kotse.
Pagkalabas ko naman sa kotse ay agad akong nabighani sa ganda ng tanawin na bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...