AYLA's POV
Ginabi na nga ako sa pag-uwi at nang dumating ako sa bahay namin ay natanaw ko agad ang lola ko na mag-isang kumakain doon sa dinning.
"Inay nandito na ho ako!" pag papaalam ko naman sa kaniya na nandito na ako, pero pumasok muna ako sa kwarto ko para mag palit ng damit.
"Oh, halika na dito... saluhan mo na ako kumain!" rinig ko pang tawag niya sa akin kaya lumabas na ulit ako sa kwarto ko at pumunta sa hapag para saluhan siyang kumain.
Tahimik lang kaming kumain dahil ayaw ng lola ko ng maingay kapag kumakain kami. At nang natapos na nga kaming kumain ay saka palang kami nag-usap muli.
"Inay, nasaan si tita Celine? hindi ko pa siya nakikita." tanong ko sa kanya.
"Ah, maaga siyang umalis kanina dahil aasikasuhin niya na raw ang mga papeles namin para makasama na kami sayo pabalik sa Canada. Mamaya ay andyan na rin jyon, pauwi na naman daw siya." sagot naman sa akin ni lola at tinanguan ko lang siya bago ako tumayo para ligpitin na ang mga pinag-kainan namin.
Pagkatapos no'n ay bumalik na rin ulit ako sa kwarto ko para mag pahinga na, medyo napagod din ako ngayong araw, e.
Taga-Canada naman talaga kami ng pamilya ko. Umuwi lang ako dito sa Pilipinas para sunduin at isama ang tita at lola ko papunta sa Canada, kaso ay natagalan ako dito dahil nahirapan kami mag-asikaso ng papeles ni Inay.
Nandito na ako sa Pilipinas simula pa noong mag first year highschool ako at ngayong fourth year na ako ay malapit na akong bumalik sa Canada.
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag, kinuha ko ang phone ko at nakita ko roon na si Mama kaya sinagot ko agad ang tawag.
"Hello anak!" bati agad sa akin ni mama pagkasagot ko sa tawag. Hindi pa din gaanong magaling si Mama sa tagalog pero pinaka-paborito niya ang saling 'anak' at yun na nga ang tawag niya sa aming magkakapatid.
"Hi Ma, what's up there?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing much anak! We're all okay here! How are you? we miss you!" pangangamusta rin sa akin ni Mama.
"I'm fine Ma, and I miss y'all too. Don't worry, I'm going back there soon, with Inay and Tita Celine." sagot ko sa kaniya at kinatuwa niya naman agad iyon.
"Really anak? Is your lola's papers are complete now?" tanong niya pa sa akin, nagsisigurado.
Mukha ba akong nag-bibiro Ma...
"Yeah, it's getting complete na. We're be going there sooner. I'll just finish this school year. Tita Celine was just processing some things too." sagot ko sa kaniya na mas kinatuwa niya pa.
Nag-kwentunhan pa kami ng saglit at maya-maya'y binaba ko na rin ang tawag dahil sinabi ko kay Mama na gusto ko na rin muna na magpahinga dahil gabi na dito. Kaya pagkatapos nun ay nahiga na rin talaga ako sa kama ko para matulog.
Naging mahimbing ang tulog ko hanggang sa nanaginip na naman ako.
"Javen!" tawag ng isang batang babae sa batang lalaki at patakbo niyang sinalubong ito.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...