AYLA's POV
"Sana pasado tayong lahat!" sigaw ni Rine habang papalapit kami sa bulletin board kung saan nakalagay na ang list ng mga nakapasa.
Nakapag final exams na kasi kami noong nakaraang linggo at lumabas na raw ang resulta no'n kaya na compute na rin ng mga teachers ang final grades namin, at ngayon ay iyon na nga ang titingnan namin.
"Sana nga! Lagot ako kay Mama kapag hindi! hahaha!" sambit naman ni Erin, tumawa pa ng bahagya pero halata pa rin naman talaga dun ang kaba niya.
Nang tuluyan na kaming makalapit sa bulletin board ay sinimulan na ni Rine ang pag hahanap sa mga pangalan namin.
"Villafuerte Ayla Maxillien, 97%! Wow! Proud tropa here!" sigaw niya sa pangalan at general average score
ko. Pasado ako.Natuwa rin naman agad ako, pero hindi pa rin ako pwedeng mag diwang, kailangan ko pang hintayin ang sa mga kaibigan ko.
"Villamin Jaspher Haven, 95%! Galing mo talaga pre!" sunod niyang sigaw sa pangalan ni Javen, pasado rin siya.
"De Verra Kathryze Juanne, 94%! Grabe! Proud ako sayo Kath" sigaw niya naman pangalan ni Kath at mayamaya lang ay magkasunod na rin niyang isinigaw ang pangalan nila ni Erin.
"Sanchez, Rinezelle Jay! 90%! Ako lang 'to guys! Hahahaha!" sigaw ni Rine sa sariling pangalan at grades.
"Miranda, Erinette Lauren! 89.54, rounded to 90%! Galing ni bff! nakaka-proud naman!" banggit niya rin sa pangalan at grades ni Erin, nakahinga na naman kaming lahat ng maluwag.
"Yes! Pasado tayong Lahat! Congrats!" masayang sigaw naman ni Jaspher at magkakasama kaming nagsaya.
Pasado kaming lahat. Thank God!
Pagkatapos nun ay nag decide kaming kumain muna sa labas bago tuluyang umuwi, half day lang kasi kami ngayong dahil huling araw na ng klase namin.
Nasabi na rin sa amin kung kailan ang Graduation day namin at 'yon raw ay ngayong byernes na, dalawang araw nalang mula ngayon.
Matapos naming kumain ay dumiretso na rin agad kami pauwi.
"Kita kit's nalang tayo sa Graduation day! Excited na ko haha!" sambit namin sa isa't-isa bago kami mag hiwahiwalay para umuwi sa kaniya-kaniya naming bahay.
* * * * *
Lumipas nga ang dalawang araw na paghihintay para sa araw na ito, ang Graduation day na pinakahihintay naming lahat.
Nandito na kaming lahat ngayon, nakapila at hinihintay nang tawagin ang mga pangalan namin para umakyat sa stage at tanggapin ang medalya't diploma namin.
At nang matapos na nga namin ang pagtanggap ng mga diploma ay nag deliver din ako ng speech ko para sa closing remarks. Pagkatapos ay nag kuhanan na rin kami ng pictures.
Mayroong kasama ang mga kaklase namin, teachers, mga pamilya at mag kakaibigan kagaya namin. Nag pakuha kaming mag kakaibigan ng picture suot ang mga toga namin at bitbit ang mga diploma, suot rin ang mga medalya.
"Congrats sa atin!" sabay-sabay na sigaw pa namin bago umayos para sa picture.
Pagkatapos no'n ay lumapit naman na muna ako sa tita at lola ko. Niyaya pa kami ng kanina ng pamilya ni Kath pero tumanggi kami dahil may mga sariling pupuntahan rin kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...