AYLA's POV
Maaga ulit akong nagising ngayong araw para pumasok sa eskwela. Nagpaalam ako sa lola ko at kay tita Celine, nandito na din ulit siya.
"Inay! tita! alis na ho ako!'' sigaw ko nalang bago ako umalis at nag simula nang maglakad.
Dinaanan ko din muna ang mga kaibigan ko para sabay-sabay kami papuntang school.
Magkakasama kami ngayon nag lalakad papunta sa sakayan ng tricycle na papuntang LIS, sa school namin.
Pagdating naman namin sa school ay humiwalay na din agad ako sa kanila dahil hindi naman nila ako kaklase.
"Mamaya nalang ulit Ayla, sabay-sabay tayo mag lunch!" paalam nila sa akin at tinanguan ko lang sila. Naglakad na din ako papasok sa classroom ko.
Tulo-tuloy lang akong pumasok sa loob at naupo sa silya ko. Maya-maya naman ay pumasok na din ang teacher namin at nag simulang mag set-up ng presentation niya para sa lesson namin ngayon.
Nagsimula na ang klase namin.
Nakatulala na naman ako sa labas ng bintana pero nakatutok din naman ang mga tainga ko sa pakikinig sa teacher namin. Napabalik lang ang tingin ko sa harap ng mapansin ko na tumigil sa pagtuturo ang teacher namin.Pagbaling ko sa unahan ng klase namin ay tumama agad ang paningin ko sa isang lalaking kapapasok lang sa classroom namin.
Matangkad, maputi at mahitsurang lalaki siya. Hindi ko alam kung paano ko nagawa na pag-aralan ang ang hitsura niya sa ganoong ka-ikling oras.
Nakatingin lang sa kaniya ang lahat at tila hinihintay siyang mag pakilala at mukhang nakuha niya naman iyon, kaya nag pakilala na nga siya.
"uhm... Hi! I'm Jaspher Haven Villamin. I'm a transferee from Canada." nakangiting pag-papakilala niya at narinig ko agad sari-saring papuri dito ng mga kaklase ko lalo na ng mga babae.
"Hello Jaspher, welcome to our class! You may have a seat." nakangiting sambit ni Mrs. Gonzalbo sa kaniya.
Luminga siya para mag-hanap ng upuan at saktong natigil ang paningin niya sa katabi kong silya na walang naka-upo, kaya naman nag-lakad siya papalapit sa gawi ko at tumigil sa may tapat ko.
"Hi, can I take this seat?" nakangiti niyang tanong sa akin kaya napatunghay ako sa kaniya dahil nakatayo siya at nakaupo lang ako.
Nag-tama ang mga paningin namin at napatitig ako nang saglit sa kaniya bago ako nakatugon sa tanong niya.
Tumango lang ako sa kaniya at nilahad ang silya sa tabi ko kaya naupo na siya doon.
Pagkatapos noon ay hindi ko na naman siya pinansin pa at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana pero nakikinig pa din naman ako sa teacher ko.
Nag-patuloy lang ang klase namin at maya-maya lang ay biglang nag pagawa ng activity ang teacher namin.
"Okay class, you're task is to make a chart that contains your ideas or knowledges about the word economics. You'll do this by pairs, so go and get your partners now." paliwag ng teacher sa amin at nag kaniya-kaniya na agad ng tayo ang mga kaklase ko papunta sa mga partner nila habang ako naman ay nanatiling prenteng nakaupo lang dito. Inaantay ko nalang na lumapit sa akin ang matitira.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...