AYLA's POV
"Tara-let's na!" pag-aaya na sa amin ni Rine para umuwi. Tapos na kasi ang klase namin at dahil nga mags-sleep over sila sa bahay namin ay doon na rin sila dideretso kasama ko. Mayroon na naman daw silang dala na damit pamalit, handang-handa ang mga loko, eh.
Magkakasama kaming lumabas sa school at nang makalabas nga kami ay agad na rin silang pumara na masasakyan na tricycle. Si Jaspher ang nakaupo sa toolbox ngayon, salitan kasi sila ni Rine sa pag-upo doon.
Pagkarating namin sa village ay nag- simula na rin kaming mag-lakad papunta sa bahay namin.
"Jaspher tabi tayo, ha!" pag-aaya ni Rine kay Jaspher para tumabi sa kaniya sa pag-tulog mamaya, at pumayag naman doon si Jaspher, pero sinamahan niya pa rin iyon ng kalokohan.
"Syempre naman tayong dalawa talaga ang mag-katabi mamaya. Pwede kong isipin mamaya na parang ikaw lang yung aso ko na lagi kong katabi sa pag-tulog nung bata pa ako. Hahahahaha!" malokong sambit ni Jaspher sa kaniya kaya natawa rin kami at nag simula na nga sila sa pag- aasaran.
"Hahahaha! Aso ka lang pala ni Jaspher, eh!" pang-aasar ni Kath kay Rine kaya mas natawa kami.
Nag-asaran at tawanan lang kami hanggang sa makarating na kami sa bahay namin.
Pinagbuksan ko sila ng gate at pinto bago sila tuluyang pinatuloy sa bahay namin at agad ko din silang pinag- sabihan.
"Hoy! Umayos kayo, ha! Ayaw ko nang sobrang kalat!" pag- papaalala ko sa kanila at tumango lang naman sila bago isa-isang pabagsak na humilata sa sofa namin.
feel at home talaga lang ang mga gago.
"Gutom na kami, Ayla! Wala bang pagkain d'yan?" tanong ni Rine habang hinihagpos pa ang tiyan.
"Hindi lang ikaw ang gutom dito! lahat tayo dito ay gutom na, kaso wala pang pagkain na luto dito, eh. Pero mayroon naman dyan na pwedeng lutuin. Magluto nalang kayo. Sarapan ninyo ang luto, ha!" sambit ko sa kanila at nag-turuan naman agad sila kung sino ang mag-luluto.
"Ops! Ikaw na Kath ang bahala d'yan! Sarapan mo, ha! HAHAHAHA!" sambit nga ni Erin at wala na rin namang nagawa si Kath doon kundi ang pumayag. Siya kasi ang pinaka-
marunong mag-luto sa aming lahat, masarap pati ang luto niya."Oo na, pero tulungan ninyo pa rin ako!" sambit ni Kath bago kami nag-tungo sa kusina para simulan na ang pag-luluto.
Kami ni Kath ang nag-luluto ng ulam at kanin, si Erin sa drinks namin, at yung dalawang lalaki naman ang nag luluto ng mga snacks na para daw mamaya. Gusto kasi nilang mag- movie marathon. Daming alam ng mga loko, eh.
Nang matapos na kami mag-luto ay inihain na namin ang mga pagkain namin, inilapag na rin ni Erin ang hinanda niyang inumin namin. Umupo na nga kaming lahat sa dinning para kumain.
"Chibugan na! " parang bata pang sambit ni Rine at sinimulan na rin nga agad ang pagkain, para siyang mauubusan.
Ang takaw niya, mala-patay gutom siya!
"Pucha! ang takaw mo Rine!" puna rin ni Erin sa katakawaan niya, hindi lang pala ako ang naka-pansin noon, pati pala sila.
"Oo nga ang takaw ni Rine, may buwaya ata 'yan sa tiyan, eh. Hahahaha!" natatawa pang dagdag ni Jaspher kaya natawa rin kami.
"Pake n'yo ba?! Kumain nalang din kayo, enjoy the food! mmm! Sarap talaga ng luto mo, Kath!" sagot naman sa amin ni Rine na puno pa ang bibig ng pagkain kaya napailing nalang kami sa kaniya bago muling ipinag- patuloy ang pagkain.
Nang matapos naman kaming kumain ay nag kaniya-kaniya nga kaming dighay kaya natawa kami sa mga sarili namin. Pero agad rin kaming natigil sa pag-tatawanan at tahimik na nag-titigan lang, nag papakiramdaman.
Nagpapakiramdaman kami kung sino sa amin ang mag-huhugas ng pinggan! At alam ko na walang may gusto sa amin na gumawa no'n! Kaya nang makalipas ang ilang saglit ay inunahan ko na agad sila para sabihin na hindi ako ang maghuhugas.
"Oh? Ano na? Sino ang mag-huhugas? Hindi ako ang mag-huhugas niyan, pabahay ko na nga kayo eh!" palusot ko sa kanila at gumana naman yun. Sila nalang apat ngayon ang nag- titigan at nag-tuturuan.
"Ikaw nalang Rine! Matakaw ka naman, eh. Ang dami mo nakain!" sambit ni Kath at agad naman kumontra sa kaniya si Rine.
"Kanina ka pa Kath, ah! Kotongan na kita d'yan eh! Hindi ako ang mag- huhugas ng mga 'yan. Hindi pa rin ako tapos magluto ng snacks. Bahala kayo d'yan!" sambit ni Rine.
"Oh, edi si Jaspher nalang!" suggest naman ni Erin.
"Hindi rin ako pwede! Mag-luluto pa ako ng snacks, ang totoo nga ay si Rine talaga ang assistant sa aming dalwa." sagot naman ni Jaspher kaya nakalusot rin siya.
"Ikaw nalang kaya Kath?" turo naman ni Rine kay Kath.
"Hindi pwede, madami akong niluto kanina baka mapasma ako!" sambit ni Kath kaya nakalusot rin siya.
Nagkatinginan ulit kaming lahat bago sabay-sabay na bumaling kay Erin.
"Erin! Ikaw! Ikaw ang maghuhugas ng plato!" sabay-sabay naming sigaw habang nakaturo pa sa kaniya kaya nag-tawanan kami habang siya naman ay napa-pikit nalang ng mariin dahil wala na siyang nagawa.
"Hahahaha! Erin the dishwasher!" pang-aasar pa ni Rine kaya mas nag- tawanan kami.
Nag-hugas na si Erin ng plato habang si Jaspher at Rine naman ay nag- hahanda ng mga snacks, at kami naman ni Kath ang nag-ayos ng mahihigaan namin.
Nag-latag kami nga mga foam sa salas dahil doon daw kami lahat mahihiga. Nakahanda na rin ang movie na papanoodin namin, horror movie daw ang gusto nila at Conjuring ang napili nila.
Nakakatakot daw kasi yun. Ewan ko kung kakayanin ba namin yun panoorin, bahala na.
"Hoy! hindi pa ba kayo tapos d'yan?!" maya-maya'y tanong sa kanila ni Kath nang matapos kami sa pagaayos ng mga higaan.
"Hindi pa! Madami-dami pang fries itong lulutuin namin" sagot naman ni Jaspher mula sa kusina.
"Tulungan niyo na kaya kami?!" sigaw naman ni Rine sa amin mula sa kusina.
"Aba! Ayaw nga namin, kayo na bahala d'yan! Tawagin niyo nalang kami kapag tapos na kayo!" sigaw ko sa kanila bago samahan si Kath sa kwarto ko dahil maliligo rin daw siya at mag-papalit ng damit.
:-)
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...