TP5

830 18 2
                                    

Veronica's POV,

"The world isn't really fair for those who are not contented with their life, those who keep on comparing themselves to other, and selfish people." Basa ko ron sa book na pinapabasa ng Professors namin sa contemp habang nakapangalumbaba.

I somewhat disagree to this.

"Yes, Miss Atara?"

Agad akong nag-angat ng tingin nang bigla akpmg tawagin ni Miss Angeles.

"Yes po, Ma'am?" Tumayo naman ako kaagad.

"Do you agree to the author's statement?" Tanong nito sa akin.

Ngumiti muna ako bago buuin ang sagot sa isip ko.

"For me po, hindi." Nakita ko ang nakakunot niyang noo na parang interesado sa sasabihin ko. "Hindi po, Ma'am. If we will stick to that sayings na only those who are not contented with their lives see the world as unfair, no one will strive harder unlike the others just to survive. Walang maghahanap ng pagkain kapag nagugutom para lang mapatunayan na kontento sila kahit wala ng makain. The world isn't fair dahil kung fair, sana walang mga estudyanteng namamasukan sa isang trabaho na ayaw niya sanang pasukin just to live and provide for her mother's health. If the world is fair, lahat sana buo ang pamilya. I am not saying na hindi ako kuntento sa mga kaibigan ko, but nothing could ever fill the place of my father in my heart, that others had. The world is not really fair that is why, we have to do something na makasurvive tayo ng matagal. Kung fair ang mundo, equal sana 'yung tulog naming mga estudyante. Pero hindi, dahil may mga nagtatrabaho kahit abutin ng madalig araw para lang buhayin ang sarili't nanay na nasa ospital. Samatalang 'yung iba, kumpleto ang eight hours na tulog." Paliwanag ko.

"Ma'am, let me add something." Napalingon naman kami kay Joyce.

"Yes, Miss Deluine?"

"I agree with Miss Atara. But my father taught me that God really made the world unfair so everyone can see His power, His power to provide and fill those gaps, so we could live in equity." Paliwanag naman ni Joyce.

"I like your arguments. But that is not our lesson. I hope you could make your own book about that." Sambit ng Prof namin kaya nagkatinginan kami ni Joyce bago umupo.

Hindi naman talaga fair ang mundo.

Kung fair lang, edi sana di ko na kailangan mamasukan bilang dancer sa club kasi kuntento naman na ko sa simpleng buhay eh, may makain lang ok na, pero hindi eh.

Natapos na rin ang klase kung kaya't umuwi na ko para gumawa muna ng assignments bago pumasok sa trabaho.

"Mano po nay," akmang hahawakan ko ang kamay ni inay nang tabigin niya ako bigla.

Ngumiti nalang ako at umakyat na sa taas para gumawa ng assignment.

Pagkatapos ng ilang oras na pagmamadali ay nagbihis na ko para pumasok sa trabaho.

"Nay, alis na po ako." Paalam ko rito kahit 'di naman ako nito papansinin.

"Oh, parang nalate ka ngayon ah." Bati sa akin ni Baby pagkapasok ko ng dressing room.

"Tinapos ko 'yung plates ko eh. Bakit, hinanap ba ko ni Nadam Hermei?"

"Hindi naman, nasanay lang akong maaga ka ng dumadating."

Magbibihis na sana ako ng pangwaiter nang bigla akong pigilan ni Madam Hermei.

"Ahm Jade, huwag ka na muna magwaiter, pwede bang dalawang beses ka nalang sumayaw ngayon? Di pumasok si Ruffa eh."

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon