TP22

390 12 0
                                    

WARNING: SPG

Veronica's POV,

"Sabay na tayo pumasok?" Aya sa akin ni Kylien.

Enrollment na namin ngayon para sa second sem. Nabigay na rin ang card namin kaya nga enrollment na eh.

Pumasok na rin kami sa registrar para ipasa ang papers namin. Naghintay naman kami na ma-check ng registrar ang paper namin bago kami sinenyasan na pumunta na sa computer para ilagay infos namin.

Mabuti nalang at maaga kami magpunta ni Kylien dahil for sure marami na namang students na nakapila niyan.

"Check your portal next week for your section." Saad ng isang faculty bago kami lumabas.

"Block section naman 'di ba?" Tanong sa amin ni Kylien.

"Oo raw." Si Roella naman ang sumagot.

Dumiretso kami sa mezzanine pagkatapos namin magpa-enroll. Lahat ng building dito ay may mezzanine. Hindi naman na nakakapagtaka sa mahal ba naman ng tuition ng school na 'to at tanging mga may pera lang ang makakapasok.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito. Naghanap naman ako ng mauupuan namin dahil sila Kylien na ang nag-order para sa akin.

'Where r u?'

Nagtaka naman ako sa text sa akin ni Reagan.

'Nasa school.' Text ko rin dito. Maya-maya lang din ay tumunog na ang cellphone, ibig sabihin tumawag siya.

[Where are you?] Bungad nito pagkasagot ko.

"Nasa school nga." Inis kong sagot dito. Naiinis ako sa kaniya eh.

[What are you doing there?]

"Nagpapa-enroll." Umupo na 'ko nang makahanap na ko ng mauupuan kung saan tanaw nila Kylien. "Bakit ba?"

[Nothing.] Napakunot naman ang noo ko sa pagbabago ng tono ng boses nito. [I'm just... tired.]

Bigla namang nawala ang pagkakunot ng noo ko sa boses nito. Parang pagod nga talaga.

[I'm on my way.]

Bumalik naman sa pagkakunot ang noo ko. Gagawin naman nito rito?

"Pauwi na rin ako kaya doon nalang tayo magkita. Tawagan mo 'ko kapag nandoon ka na tapos sarado pa ang pinto." Bilin ko rito bago patayin ang tawag. Sakto naman at dumating na sila Kylien na may dalang pagkain.

"Oh bakit nakakunot 'yang noo mo?" Tanong nito nang mapansing nakakunot na naman ang noo ko.

Bakit ba ang bilis kong mainis ngayon?

"Problema sa boyfriend." Si Roella naman ang sumagot. Umiling naman ako para hindi nila sabihin na may problema nga kami ni Reagan kahit pakiramdam ko wala namang ginawa ang tao sa 'kin.

"Is there a linta that dikit to your boyfriend ba?" Sinadya talaga nitong artehan ang boses niya. Cringe!

Naalala ko naman si Maristella na ka-partner no'n noong Mr. and Ms. Intrams nila. Hindi ako nakapunta sa contest proper nila dahil kasabay 'yun ng final exam namin.

"Wala naman." Sabi ko lang rito. Iniba ko nalang agad ang usapan dahil ayokong pag-usapan si Reagan. Maiinis lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako dahil bibili pa 'ko ng napkin. Kaya pala sumasakit puson ko kasi meron pala ako. Akala ko white blood palang ngayon.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon