TP55

347 12 4
                                    

Veronica's POV,

"Teka teka." Sambit ko nang bumababa na sa leeg ko ang mga halik ni Reagan. "'Yung puson ko, masakit."

Bahagyang lumayo sa akin si Reagan at tinitigan ako nang maigi sa mata bago tuluyang lumayo saka umupo sa dulong gilid ng kama. Dahan-dahan ko ring inangat ang sarili ko paupo. Muntik ko na palang makalimutan. Nagsusugat pala pempem ko ngayon, nakakahiya!

Tumukhim muna ito bago magsalita. "May pad ka?"

Napangiwi ako sa hiya dahil wala akong dalang napkin. Hindi ko rin kasi naisip o naalala man lang na magkakaroon na nga pala ako ngayon, edi sana nakapagdala ako. Mabilis kong binuhat ang katawan ko paluhod para tingnan kung may tagos na ba ako pati ang kama. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita na wala. Agad din akong napaupo ulit at napahawak sa puson ko nang mamilipit na naman ito sa sakit.

"Bibili ako?" Tanong nito kaya nagugulat ko itong tiningnan. Naalala ko na naman ang dati na hindi siya nahihiyang bumili ng napkin para sa 'kin. I was about to say something nang tunayo na ito at dinukot ang wallet niya sa bulsa ng suot niyang winter jacket. "Kapag walang modess kahit ano nalang na may wings." Sabi nito na para bang alam niya na ang sasabihin ko dahil memoryadong-memoryado niya na.

"Pwede ba?" Nakakahiya kong banggit. Dito ko pa talaga sa New York siya ipapahiya.

"Hindi naman bago sa 'kin, 'to." Nakangiti nitong turan saka ako hinalikan sa noo na siyang nagpapula ng buong mukha ko.

Tulala lang ako habang nakatitig sa pintong nilabasan niya. Anong nangyari sa pader na itinayo ko? Noong makita ko siyang umiiyak habang nagmamakaawa ay tila awtomatikong gumalaw ang mga palad at labi ko para halikan siya. Parang tumigil saglit ang oras sa akin noong sandaling maglapat ang mga labi namin. It was so surreal. The way he kissed me before with full of love, that's how he kissed me earlier, walang pinagbago.

Pero alam kong mali ang ginawa ko kanina. I shouldn't have done that. I gave him a false hope. Hindi pa naman ako sigurado sa mga bagay-bagay, ni hindi ko nga alam kung ano na ang mangyayari sa amin mamaya o kung may gusto man siyang mangyari sa amin, hindi ko alam kung paano magrereact at ano ang gagawin. I mean, hindi pa ako handa na pumasok ulit sa ganoong relasyon. I'm not yet ready to commit again. Gusto kong magpokus sa mga anak ko muna at hindi ko pa alam kung kaya kong panindigan ang pikikipagrelasyon kay Reagan ulit. Sirang-sira na ako. Masyado ng maraming lamat sa pagkatao ko at kapag naging kami ulit ni Reagan paulit-ulit ko ring tatanungin ang halaga ko in comparison sa kaniya. He doesn't deserve me.

But I must admit that I am touched when he offered to buy me pads. Nakakahiya na magpabili ako sa kaniya lalo na't lalaki pa, pero siya hindi. Dati pa talaga ay binibilhan niya ako ng napkin, kaya nga alam niyang with wings ang ginagamit ko kasi malikot akong babae, natatabingi ang napkin sa akin kapag non-wings. Tinanong ko nga kung bakit hindi siya nahihiya dahil baka pinagtitinginan siya ng mga cashier kapag nagbabayad siya, sagot niya lang sa 'kin no'n ano naman daw kung bumili siya? T*nga nalang daw ang mag-iisip na siya ang gagamit no'n.

Kanina pa pala ako nakatulala rito habang nakaupo kaya hindi ko na namalayan na nakabalik na siya. Inabot niya sa akin ang supot na naglalaman ng pack ng napkin, hot compress, at.. tampons.

"Bakit may tampons?" Tanong ko. Hindi ako gumagamit ng tampon kaya hindi ko alam kung bakit alam niya 'to.

"Binigay sa 'kin 'yan ng cashier, mas maganda raw gamitin. Binilhan na rin kita ng hot compress para sa sakit ng puson mo." His words warm my heart. Alam niyang sumasakit ang puson ko kaya bumili na rin siya ng hot compress. Hindi kasi ako mahilig uminom ng gamot kapag sumasakit amg puson ko at towel na binabad ko sa mainit-init na tubig ang nilalagay ko sa tuwing sumasakit kaya para hindi raw ako mahirapan ay binibilhan niya na 'ko dati. I didn't know he still remember that.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon