Veronica's POV,
"I love you." Biglang sambit ni Reagan na siyang nagpapula ng pisngi ko. "Babe, nagugulat ka pa rin? Wala naman akong palya sa pagpapaalala sa 'yong mahal kita ah?" Nakangusong sabi nito bago dampian ng halik ang pisngi ko. Tuwang-tuwa 'to sa kamay ko. Kanina pa pinipisil-pisil.
"Kasi naman.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumayo nalang ako sa higaan at hinagisan siya ng unan sa mukha na tinawanan niya lang.
"Antayin mo nalang ako bago ka pumunta sa nanay mo?" Nakatagilid ang higa nitong tanong sa akin. Pinilit ko kasi siya kanina na payagan akong umalis para bisitahin si inay. Kahit naman ganoon ugali no'n at pinagtatabuyan ako, nanay ko pa rin 'yun. Kailangan kong seguraduhin na hindi na naman magpapabaya sa katawan 'yon dahil sa iniwan siya ng bago niyang nakikilala lalaki.
"Alam ko naman papunta roon Reagan."
"Alam ko. Pero hindi ko alam ang gagawin na naman sa 'yo ng nanay mo kaya samahan nalang kita." Giit ulit nito.
"'Di naman ako papatayin ni inay." Nagbibiro kong sabi sa kaniya pero ang mukha niya'y biglang naging seryoso.
"Paano kung sa kabubugbog niya sa 'yo ay matuluyan ka na talaga?-- I don't want that kind of thought, Jade. Erase, erase." Naiilang nitong sabi tungkol sa naging topic namin.
"Maligo ka na nga lang. Magluluto muna ako ng agahan natin. Anong gusto mong agahan?" Tanong ko rito.
"Ikaw." Diretso nitong sabi kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Isama mo pa 'yung mukha niyang seryoso kaya mas nailang na naman ako. "Ikaw kako, anong gusto mong agahan natin?" Natatawa nitong paglilinaw sa sinabi niya.
"L-luluto nalang ako ng n-nuggets." Nasabi ko nalang bago lumabas ng kwarto. Ang init kasi bigla sa loob. Parang gusto ko na rin maghubad.
Pagtapos naming kumain ni Reagan ay siya na rin mismo ang naghatid sa akin sa bahay namin. Daanan niya nalang daw ako pauwi. Gusto niya siya raw ang magda-drive sa akin. 'Di naman ako nainform na driver na pala ang ganap niya sa buhay 'ko.
Hinintay ko muna siyang makaalis bago kumatok sa pinto. Nakailang katok na 'ko pero wala pa ring nagbubukas kaya ako nalang mismo ang nagbukas at pumasok na sa loob. Mabuti naman at maayos pa rin tingnan ang bahay, pero ang daming labahin na damit. Kinuha ko nalang ang mga iyun at sinimulan ng labhan.
Naglinis na rin ako at napagdesisyunan nalang na magpunta sa palengke para mamili ng ilalagay sa ref ni inay dahil wala na siyang stocks.
"Bayad nga po." Abot ko ng bayad sa nasa unahan ko.
"Jade." Agad akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko. "Si Kristoff."
Pilit kong inaalala ang mukha niya pero wala talaga akong maalala kaya nginitian ko nalang ito.
"Ah hello." Sabi ko nalang.
"Parang hindi magkaklase sa batian." Natatawa nitong sabi. "Mas gumanda ka ngayon ah."
Nailang naman ako sa sinabi nito. Hindi kasi ako sanay na sabihang maganda. Ni si Reagan nga hindi ko naalalang nagsabi sa 'kin ng 'maganda'. Puro 'I love you' lang lumalabas sa bibig. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko nang dahil sa iniisip ko.
"Sa'n ba punta mo?" Tanong pa nito at mas lumapit pa sa akin.
"Palengke lang mamimili ng pagkain." Maikling sagot ko rito.
"Uy sakto, papunta rin ako roon. Bibili ako ng ingredients sa lulutuin namin bukas sa school." Saad lang nito.
Daldal lang siya nang daldal sa nangyari daw sa kaniya after graduation. Sabi niya naging kaklase ko siya no'ng grade 10 tapos naghiwalay daw kami kasi Tech-Voc ang kinuha niya no'ng senior high school.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...