Veronica's POV,
"Pamangkin?" Nasambit ko sa sinabi ni Will. Hindi ako makapaniwala. Inaalala ko ang surname ni Reagan at surname ni Will, doon ko lamang napagtantong pareho silang Almonicar. Hindi ko man lang naisip 'yun.
"Yes, babe. He's my father's brother." Sabi ni Reagan nang hindi man lang tumitingin sa akin at nanatiling kay Will ang mga mata. "Sa kasamaang palad, uncle ko."
"Babe?"
"Yes, I'm her boyfriend. Naging kami nang hindi ko siya pinipilit." Makahulugang saad ni Reagan kay Will habang hawak pa rin ang mga braso ko.
"What's this, Jade?" This time ay sa akin na nakatuon ang tingin ni Will. Kinakabahan pa rin ako na hindi makapaniwala sa nalaman na pamangkin ni Will si Reagan. "Jade?" Tawag ulit nito sa akin.
"Susunduin ko na ang girlfriend ko." Matigas na pahayag ni Reagan kay Will at akmang hahatakin na 'ko palabas nang harangan kami ng mga tauhan ni Will. "Padaanin niyo kami kung ayaw niyong basagin ko 'yang shades niyo kasama mga mukha niyo?"
"Reagan.." Tanging lumabas sa mga bibig ko dahil pakiramdam ko'y galit ngayon si Reagan.
"Mag-usap tayo, Theo." Sabi ni Will na kinalingon ni Reagan.
"Your relationship is over, Mr. Almonicar. Layuan mo na si Jade kung ayaw mong iparating ko pa ito kay Daddy." Matigas pa ring sabi ni Reagan dito.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Will. Kanina'y nagtataka lamang, ngunit ngayo'y nakataas na ang gilid ng labi.
"Oh come on. You think natatakot ako sa nakababata kong kapatid? Sa pagkakatanda ko, ako ang panganay sa 'min kaya bakit ako matatakot? Linya talaga kayo ng mga mang-aagaw 'no?" Saad ni Will na pakiwari ko'y naubusan na rin ng bait sa pakikipag-usap kay Reagan.
"Una sa lahat, wala namang maaagaw sa 'yo dahil wala naman talagang sa 'yo. Ang posisyon mo ngayon sa opisina at pati si Jade na sapilitan mong kinasintahan, lahat ng bagay ay nakukuha mo nang sapilitan. Kaya kung ayaw mong magkagulo tayo rito, paalisin mo na kami nang matiwasay." Nagpipigil na'ng galit na sabi ni Reagan.
"Ako ang nauna kay Jade, Theo. Bago ako umalis ng bansa, kami pa. And I don't remember breaking up with her. Sa madaling salita, kami pa rin, Theo. You're just an assuming gatecrasher wanting to steal my precious gem. Kaya kung ayaw mong masaktan, ibigay mo na sa 'kin si Jade." Tinuon nito ang pansin sa akin na ngayo'y nagtataka at natatakot sa mga tinuran nilang salita. "Halika na, Jade. Sumama ka na sa 'kin kung ayaw mong may mangyari sa inay mo."
"No." Unti-unting tinaas ni Reagan ang braso nitong may hawak na cellphone at ipinakita kay Will. Nanlaki ang mga mata ni Will at galit na tumingin kay Reagan sa mga mata. Mas lalo akong kinabahan sa tinuran nito kanina.
"Why are you calling the police?"
"This is coercion. You're using her mom just so you can blackmail her. Is that how you made her as your girlfriend before?" Seryosong saad ni Reagan habang hawak pa rin ang cellphone na ngayon nga'y nasa kabilang linya ang mga pulis. Rinig ko pa ang tawag ng mga 'to, hindi kilala kung sino ang tumawag. "Tandaan mo, meron ng 'ako' si Jade and you cannot do anything to her as long as I'm here."
"Theodore, put off that damn phone." Matigas pero mahinang sambit ni Will kay Reagan.
"Paaalisin mo kami o hindi? Ayokong umabot 'to sa dahas, uncle. Kung kaya mong bayaran ang mga pulis, kaya ko rin kaya patas ang hustisya sa 'tin." Nang-aasar na saad ni Reagan at talagang diniinan ang huling sinabi.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...