TP43

316 19 2
                                    

Veronica's POV,

"Happy birthday to you~" bati ko sa dalawa kong anak na nagbibirthday.

It's been five years since they were born and in those five years doon ko na-realize kung gaano ako katapang at katatag sa buhay.

Sa lahat ng napagdaanan ko kung hindi lang ako naging malakas ay malamang matagal na kong pinaglalamayan. I admit that there are times that I thought about taking my life. Maraming pagkakataon na naisipan kong sumuko nalang dahil sa pagod, pakiramdam ko ay hindi na worth it pang ipaglaban ang sinasabi nilang pag-asa.

But everytime na nag-iisip ako ng ganiyan at napapatingin ako sa mga anak ko nabubura kaagad ang isipin na 'yun. Para silang sampal sa akin sa tuwing nag-iisip ako na sumuko. Naalala ko ang pangako ko sa sarili na kapag ako nagkaanak gagawin ko ang lahat huwag lang nila maranasan ang kahit anong masamang naranasan ko noon. Hindi ko sila hahayaang pagdaanan ang napagdaanan ko noon at kailanman ay hindi ko sila hahayaang maghanap ng pagmamahal dahil ako na mismo ang magpaparamdam non sa kanila.

It was never been easy raising two children on my own. Kahit na tinutulungan naman ako ng mga adopted parents ko, yes I now consider them as a family since they are the ones who make me feel loved, naging mahirap pa rin sa akin na itaguyod ang mga anak ko nang walang ama. Kailangan kong maging ama habang ginagampanan din ang papel ko bilang ina sa kanila. Nagtatrabaho ako sa call center, gumigising ng maaga para magluto ng pagkain nila nanay Joni at tatay Bien at para sa mga anak ko. Si nanay Joni ang naiiwan sa mga bata kapag wala ako at si tatay Bien naman ang nagtatrabaho sa sakahan nila.

"Hala ang ganda naman ng barbie ng apo ko. Patingin si lola." Pang-uuto ni nanay Joni kay Star na masaya sa regalo kong barbie sa kaniya. Binilhan ko kasi siya ng barbie doll na may limang dress gaya ng hinihingi niya sa 'kin kasi may ganoon daw 'yung kalaro niyang kapitbahay namin na binili raw ng tatay non sa Maynila.

"Mama paano 'to?" Tanong sa akin ni Moon na abala sa pagtingin sa laruang binili ko rin sa kaniya. Remote control transformer car naman ang binili ko sa kaniya. Ito 'yung laruan na nakakapagtransform into robot or car using the controller. Gusto ko kasi bilhan ng hindi man ganoon kamamahalin pero medyo unique na laruan ang mga anak ko dahil ni minsan ay hindi ko 'yun naranasan.

Simpleng salo-salo lang ang ginawa ko para sa 5th birthday nila pero sinigurado kong may cake, hotdogs na nasa pinya, at cupcakes. Kung magkano lang ang pasok sa five thousand komg budget dahil wala pa akokg masyadong ipon gawa ng

"Ate Dina, papicture po kami." Sabi ko sabay bigay ng cellphone ko kay ate Dina. Ipapadevelop ko na naman 'to para sa album ko para sa mga anak ko.

"Kailan mag-aaral ang mga anak mo, Jade?" Tanong sa akin ni ate Beneng.

Oo nga pala, ipapasok ko na nga pala sila sa pre-school ngayong five years old na sila. Gustuhin ko man na sa private sila ipasok pero hindi ko pa kayang magbayad ng tuition fee nila lalo na't dalawa pa sila.

"Prep palang naman sila kaya diyan nalang po siguro muna sa day care center." Sagot ko rito.

Naging makahulugan ang tango nila. Usap-usapan kasi rito sa bayan namin na may boyfriend daw ako na mayaman kaya ako nakaka-afford ng mga damit ko sa trabaho, magagandang gamit ng mga anak ko, at kung ano pa. Ang totoo niyan nasa twenty-seven thousand lang talaga ang sahod ko kada buwan sapat lang kung hindi ako maluho.

'Yung mga damit ko ay binibili ko lang sa ukay-ukay na plinantsa ko sa plantsang uling namin para magmukhang bago. Tanging concealer, clay lipstick, at eye-liner lang meron akong make-up na lahat mumurahin lang at binili ko pa sa sale para makamura. Lahat ng 'yun ay ginagamit ko lang kapag papasok ako ng trabaho. Pagdating sa pagkain ay nagbabaon ako kapag papasok mg trabaho at madalas gulay ang inuulam ko kaya nakakatipid ako sa pagkain sa cafeteria.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon