TP11

657 15 4
                                    

Veronica's POV,

Nagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin.

Nasaan ako?

Nang makabawi na ako sa silaw ay nilibot ko na ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

Anong nagyari sa 'kin?

Anong ginagawa ko rito?

"Argh!" Ungol ko at sinubukang tumayo sa pagkakahiga. Nakahospital gown pa yata ako.

Napahinto ako sa pagtayo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako.

"Good, you're awake." Sambit nang isang lalaking pumasok sa kwarto ko.

"S-sino ka?" Tanging nasabi ko na lamang.

"You're Veronica Jade Atara right?" Tuloy-tuloy lang siyang pumasok at naglapag ng mansanas sa lamesa na katabi ng kamang hinihigaan ko kanina.

"Oo?" Sambit ko. Iniisip kung sigurado ba ako na iyun ang pangalan ko dahil iyun nalang ang natatandaan ko sa ngayon. "Teka, paano mo ko nakilala?"

Umupo muna ito sa sofa. VIP pa yata tong room na kinahihigaan ko.

"Sino ka?" Mapanuring tingin ang pinukol ko sa kaniya.

"Hindi mo ko nakikilala?" Nakacross arm nitong tanong sa akin.

"Hindi kita tatanungin kung alam ko." Gusto kong tampalin noo ng mga oras na ito. "Sino ka ba?"

"I was the one who hit you with my car." Parang balewala nitong sambit sa akin.

"Ano!? Teka, ipapakulong kita sa pagsagasa sa akin." Banta ko rito.

"No, you can't." Ani niya.

"At bakit?"

"Dahil sumusunod ako sa trapiko. And you...ikaw ang tulala lang sa daanan. Ginawa mong park ang highway. Buti nalang at hindi malakas ang pagkakabunggo ko sa 'yo, kundi...hayst, buti nalang." Frustrated niyang sambit.

Napayuko nalang ako dahil ganoon pala ang nangyari.

"Teka, bakit wala akong naaalala? Pangalan ko lang alam ko." Naupo na lamang ako sa higaan ko.

"Huwag mo ng alalahanin yun." Walang emosyon nitong sabi.

"Bakit?"

"Co'z I know you don't want to remember it either." Tumayo naman ito at kumuha ng mansanas sa mesa. Naghagis naman ito ng isa pa sa akin kaya sinalo ko naman.

"Teka, ala-ala ko rin 'yun kaya gusto kong alalahanin." Sabi ko.

Kumagat na muna ito sa mansanas bago tumingin sa akin.

"Ikaw bahala but for now, you have to stay in my place hanggang hindi pa bumabalik mga ala-ala mo...I also need you to do something for me since ako naman nagbayad ng hospital bills mo." Paliwanag niya kaya naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Ha? Lalaki ka tapos magpapatira ka ng babae sa bahay mo? Saka anong ipapaggawa mo? Ikaw na nga nakasagasa, ikaw pa mag-rerequest sakin?" Mahaba kong salaysay.

"It's not my fault that you're hit by my car. Ikaw ang tunawid nang nakagreen light kaya ikaw ang may kasalanan." Depensa niya naman.

"Iuwi mo nalang ako sa amin." Pakiusap ko.

"I don't know where you lived." Ani niya. "For now, stay at my house. I'll give you work."

"Work?"

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon