TP42

369 13 3
                                    

Veronica's POV,

"Ay ano bang ginagawa mo riyan, a anak? Sinabi muna namin sa 'yo 'di ba na magpahinga ka muna sa bahay. Paano nalang ang bat--"

"Nay Joni okay lang po ako. Kaya ko pa pong tumulong." Putol ko sa sermon sana sa akin ni nanay Joni, ang babaeng kumupkop muna sa akin ngayon. "Saka isa pa po, exercise ko na po ito. Masama rin daw sa buntis ang humilata lang lagi sa kama."

"Naku, anak baka mapa'no ka naman niyan. Mapipilitan talaga kaming dalhin ka sa ospital."

Agad akong umiling sa sinabi nito.

Isang buwan na magmula noong makita ako ni nanay Joni at tatay Bien na palakad-lakad sa kalye. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila o kinukwento ang naging karanasan ko noon sa kagustuhang ayaw ko ng mabanggit pa ang masasamang ala-ala ko na 'yun. Hindi na rin naman ako pinilit nila nanay Joni na sabihin sa kanila ang lahat.

Napakabait na tao nila nanay Joni at tatay Bien. Biniyayaan sila ng isang anak ngunit ginahasa raw ito at pinatay kaya ngayon ay silang dalawa nalang sa buhay. How coincident it is malaman na pareho kami ng dinanas ng anak nila nanay Joni. Sana nga pinatay nalang ako ni Will kaysa buhayin pa. Mas mapapaikli ang sakit.

Kinupkop nila ako at pinatira sa bahay nang walang kapalit. Tinuring nila ako bilang anak at ayaw pa ngang patulungin sa bukid nang malaman na buntis ako.

Gustuhin man nila na ipatingin ako sa doktor ay kapos din sila. Ako rin naman ay ayaw kong lumuwas sa lungsod dahil ayaw ko ng magkaroon pa ng pagkakataon na magkita kami ng mga taong dati kong pinanghahawakan at pinagkakatiwalaan.

Naniwala ako sa pangako ni Reagan na hindi niya ako iiwan at mananatili sa tabi ko. Pero mas lamang ang sakit no'ng malaman ko kung gaano niya ako hinusgahan sa dati kong naging buhay.

Alam kong wala akong karapatang manghingi ng kapatawaran kay Reagan dahil hindi pa rin no'n mababayaran ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Pero 'yung tiwala na akala ko'y iba ang tingin niya sa akin at hindi isang kaladkaring babae ang siyang nagtulak sa akin sa desisyong huwag ng magpapakita sa kaniya kailanman.

Hapon na. Bumalik na ako sa bahay para paghandaan ng makakain sila nanay Joni pag-uwi nila. Ang saya lang dahil madalas akong nakakakain ng gulay rito. Mabuti na rin para sa anak ko.

"Ako na maghuhugas, anak."

"Huwag na tay, ako na po bahala diyan. Baka mapasma pa po ang kamay niyo, kagagaling niyo pa man din sa trabaho doon sa initan." Sabi ko rito at inagaw na ang hawak nitong mga pinggan. Hindi na rin naman umangal si tatay Bien dahil alam niyang mapilit din talaga ako.

Ang ganda ng tanawin sa bandang hugasan ng bahay nila tatay Bien. Nasa labas pa kasi ang lababo at iba pala rito sa probinsya, walang gripo kaya nag-iigib pa si tatay Bien tuwing umaga para may tubig kaming gagamitin maghapon.

Ang aliwalas ng paligid at mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang langit na puno ng bituin. Kapag babae ang anak ko, papangalanan ko siyang Star at kapag lalaki naman ay Moon ang ibibigay ko sa kaniya dahil siya ang magiging ilaw ko sa dilim ng buhay na tinatahakan ko.

Matapos kong maghugas ay lumabas muna ako at umupo sa upuang kawayan na malapit lang sa bahay namin. Napangiti ako habang minamasdan ang buwan at bituin sa langit. Parang ang saya nilang panoorin. Parang lahat sila ay nasa ayos at hindi kailanman magbabanggaan.

"Ano namang nginingiti-ngiti mo diyan anak?" Napalingon ako kay nanay Joni nang tumabi ito sa akin.

"Wala, nay. Masaya lang po ako ngayon. Parang ang tahimik na ng buhay ko simula no'ng mapunta ako rito. Malayo sa lugar kung saan ako naghirap." Sagot ko rito.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon