TP44

287 15 0
                                    

Veronica's POV,

"Nay araw-araw po akong tatawag sa inyo." Sabi ko kay nanay Joni habang nagliligpit ng gamit namin ni Star.

'Yung pinagdalhan kasi kay Star noong mahimatay siya ay 'yun na ang pinaka-high-tech na ospital na malapit sa bayan namin pero kulang pa rin daw ang mga gamit. The next day bago madischarge si Star bigla nalang ito nangisay kaya sinabi na ng doktor na kailangan ko na siyang dalhin sa Maynila para doon magpagamot at para makuhanan ng MRI si Star. Nabuhay na naman ang takot ko sa katawan.

"Balitaan mo rin ako anak ah tungkol kay Star. Ako na bahala sa isa ko pang apo rito." Sabi sa akin ni nanay Joni saka ako hinalikan sa noo at pati na si Star. Bumaling ito kay Star. "Pagaling ang baby namin ah."

"Moon makinig kay nanay ah. Babalik din agad si mama after gumaling ni Star." I told my son.

I just hope that things will not become more serious. I don't want my children to suffer like I had.

Habang nasa bus kami ay dasal lang ako nang dasal para sa anak ko. Ayokong mag-isip ng masama but I know the doctors will not suggest this kung doon palang sa ospital nila ay may proper diagnoses na. They suspected that my daughter maybe had an epilepsy and I researched about it and I found out na 'yung biglang pangingisay ay sintomas ng epilepsy. Sana mali ang hinala nila.

Sakto lang siguro ang dala kong pera para sa pamamalagi namin sa Maynila for one week. Titira muna kami pansamantala kay Joyce since miss niya na rin daw ang mga inaanak niya. Si Joyce palang ang na-contact ko sa kung nasaan ako at maging sila Kylien ay hindi ko pa nakakausap kung sakaling hinahanap man nila ako. I just want them to stay out of my life for now. Masyado pang magulo.

"Mama sakit ulo ko." Bulong ng anak ko habang nakahiga sa lap ko.

"Kain ka muna para makainom ka ng gamot mo." Sabi ko rito at kumuha ng kaunting baon ko na kanin para kay Star.

Kahit kasi ilang oras lang ang biyahe ay naghanda pa rin ako ng kaunting makakain niya in case na gutumin.

Pagtapos ko siyang subuan ay nilabas ko na ang gamot na nireseta sa kaniya para sa sakit ng ulo. Pinainom ko na siya saka sinabihan na matulog nalang muna dahil mahaba pa ang biyahe.

Pagkarating namin sa Maynila ay sumakay nalang ako ng jeep since malapit lang din naman ang bahay nila Joyce sa Gateway. Madadaanan namin ang bahay namin noon. Gustuhin ko mang huminto saglit doon pero minabuti kong huwag nalang muna. Wala naman doon ang nanay ko since sabi ni Joyce ay binenta iyun 2 years ago, binenta ni inay.

"My Star." Salubong ni Joyce sa anak ko at niyakap. Dahil ngayon lang naman sila nagkita ay ngumiti lang ang anak ko, nahihiya pa. "Dali hinanda muna ni ninang ang higaan niyo."

"Tita, tito, magandang araw po." Bati ko sa nanay at tatay ni Joyce.

"Jade, long time no see. Kumusta ka na?" Bungad sa akin ng tatay ni Joyce. Kilala nila ako dahil sabi ko nga bestfriend ko si Joyce kaya minsan ay nagpupunta ako rito sa bahay nila noon.

"Ayos naman po, tito. Siya nga po pala, anak ko po si Star. Nak, magmano ka muna." Bulong ko sa anak ko kaya lumapit ito para magmano.

"Ang bilis ng panahon, may anak ka na pala. Tagal ka naming hindi nakita ah, saan ka nga pala nakatira no'n?" Tanong ng nanay ni Joyce.

Nagdadalawang isip pa 'ko kung sasagutin ko ba o hindi, buti nalang ay nakuha rin agad ni Joyce ang sitwasyon.

"Ah ma, mahabang kuwento po kasi, hindi pa siya ready i-kuwento. Dalhin ko muna sila sa kwarto nila." Sabi ni Joyce.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon