TP27

366 7 0
                                    

Veronica's POV,

"Class dismissed.." Saad ng professor namin habang nag-aayos ng materials niya sa mesa. "Before I forgot.. you only have 3 weeks to save this semester."

"Argh! This is so stressful! Lapit na finals natin, may magpapagroupings pa." Reklamo ni Gabby na kagrupo ko sa STS activity namin. "So.. saan tayo, Jade?"

"Library?" I suggested. Pero umayaw agad sila dahil boring daw masyado, baka makatulog lang sila.

"Sa bahay nalang namin." Volunteer ni Parcko. "It's just 3 blocks away from the gate."

Dahil malapit lang naman ay pumayag na kaming lahat. May WiFi naman sila at may mga DSLR naman ang mga kagrupo ko. Sa yaman ng mga 'to, imposibleng hindi nila maafford ang mga 'yun. Kumpleto rin sila sa mga gamit like tripod at may dala pang ilaw para maganda raw ang production ng gawa namin.

"May kailangan ba tayong kuhanan dito, direk?" Tanong sa akin ni Feira. Ako kasi ang direktor at ang gumawa na rin ng script.

"Wala naman. Lahat pwede na sa bahay." I told them so we pack all our things para magpunta na sa bahay ng kaklase ko. Tiyak gagabihin na naman ako nito sa lintik na shooting 'to.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko nang marinig ko itong tumunog.

'Ok lang. Tapos na class ko. Mukhang gagabihin din ako mamaya.'

I replied to Reagan nang magtext ito para sabihing hindi siya makakapunta sa bahay dahil may ginagawang activity sa school.

Wala pa mang isang minuto ang text ko nang tumawag na ito sa akin kaya sinagot ko rin agad. Sinenyasan ko nalang ang mga kaklase ko na mauna at nasa likod lang nila ako.

"Yes?"

[Gagabihin ka?] Tanong nito sa kabilang linya.

"Yuh. May shooting pa kami sa bahay ng kaklase ko eh, pero malapit lang naman sa apartment kaya no hassle." Sabi ko agad dito dahil magkukuda na naman 'to na delikado raw at baka kung ano pa ang mangyari sa 'kin sa daan lalo na't babae pa 'ko.

Narinig ko ang buntong-hininga nito sa kabila bago nagsalita ulit. [Ok. Just call me kapag aabutin ka ng alas onse ah. Papapuntahin ko na si Mang Darwin kaya huwag ka na magpapaabot pa ng lagpas alas onse diyan.]

Napasapo nalang ako ng noo sa pagiging over-protective nito. That is what I like about him. He's so protective at ayaw na lumalabas ako ng bahay na mag-isa. Kaya kusa ko na rin siyang inuupdate kapag may alis ako para alam niya na agad kung saan ako pupunta.

"No need na boss, few blocks away lang naman 'to sa apartment ko kaya pwedeng lakarin." Sabi ko agad dito dahil ayaw ko ng makaperwisyo ng nananahimik na driver sana.

[I'm being serious here, Jade. Paano nalang kapag may biglang kumuha sa 'yo diyan? Paano kapag may biglang magpapakita sa 'yo diyan?] I can feel frustration in him kaya hindi ko mapigilang matawa habang namomroblema siya.

"Wala namang kikidnap sa akin dito for ransom. Bibigay ko sa kanila? Panty ko?" I joked. But I didn't hear a laugh from him.

[That isn't a good joke, Jade.] He said in a serious tone.

"Yes, yes. Tatawag din ako agad kapag pauwi na 'ko. Malapit lang naman pupuntahan ko. Gotta go, naiiwan na ko ng mga kaklase ko." Sabi ko nalang dito at kusa ng nagbaba ng tawag dahil lumalayo na mga kaklase ko sa 'kin.

Pagdating namin ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto at pinilit ko na silang magsimula para matapos agad. Iba talaga kapag sa mayamang bahay kayo nag-groupings, bigatin ang snacks. Pizza and slurpees lang naman ang inorder ng nanay ni Parcko para sa 'min.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon