Veronica's POV,
"Jade!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang babae na kasing edad ko lang yata. Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala kung kilala ko ba itong babaeng ito o nagpapanggap lang 'tong kilala ako.
Napaigtad na lamang ako nang bigla ako nitong hawakan sa magkabilang pisngi at tinitigan na wari'y sinusuri kung ako ba talaga ang babaeng kikitain niya. Napaigtad na lamang ako nang bigla ako nitong yakapin. Wala akong ibang maggawa kung 'di ang manatili sa pagkakatayo.
"Anong nangyari sa 'yo?" Bungad na tanong nito sa akin.
"Do you.. want to order first?" I offered dahil nakakahiya at baka nakaabala pa 'ko sa dapat niyang schedule.
"Milktea lang." Maikling sagot nito bago umupo sa harap ko nang hindi pinuputol ang tingin. Tumayo nalang ako para umorder saka bumalik sa upuan ko.
"Tatawagin nalang daw tayo." Sabi ko rito. "Bakit?"
"Bakit bigla kang nawala? Ang sabi ng mama mo sumama ka na raw kay Will?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito, pilit pinoproseso ang sinabi niya. Umayos ako ng upo. "Buhay ang nanay ko?"
This time ay siya naman ang napakunot ang noo. "Oo. Buhay pa. Bakit? Hindi na ba kayo nagkikita?"
"I.. got into an accident two years ago. Sabi ng doktor mayroon daw akong selective amnesia so I was left only with my name. Pangalan ko lang ang naaalala ko." Kita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mga mata. I continued to speak. "But as months goes by, may mga nagpapakita sa aking mga ala-ala na hanggang ngayon ay hindi ko mabuo-buo.. until I saw your message."
"Totoo ba 'to?.. Akala ko sumama ka na kay Will gaya ng sabi ng nanay mo." Hindi makapaniwala nitong sambit. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang tawagin ng babae ang pangalan ko para sa order ko. Kinuha ko muna ito saka bumalik sa kinauupuan.
"Sinong Will?" Tanong ko rito.
"Ah.. l-lalaking nakilala mo sa d-dati mong pinagtatrabahuan." Saad nito bago sumipsip sa milktea nito. Napakunot na lamang ang noo ko sa sinabi nito nang magsalita na naman ito. "Wala 'yun. Matagal na rin naman ang nakalipas. Baka nag-ibang bansa na rin 'yun."
"Sinabi mo buhay pa ang nanay ko. Nasaan siya?" Tanong ko rito nang maalala ko ang sinabi nito tungkol sa nanay ko. "Pwede mo ba 'kong samahan?"
"H-hindi ko alam kung naroon ba ang nanay mo ngayon pero sige. Alam ko kung gaano mo kamahal ang nanay mo kahit noon pa." Nakangiti nitong sabi. "Ang saya ko lang at nakita na ulit kita bestfriend. Hindi mo man ako naaalala ngayon pero kilalang-kilala kita dahil bestfriend kita. Alam ko kung anong klaseng buhay ang hinarap mo noon at kung paano mo nalagpasan 'yun."
Napangiti ako sa sinabi niya. Siya pala ang bestfriend ko.
Maya-maya lang din ay inaya na niya ako para puntahan ang bahay namin. Gusto kong makita ang inay ko at baka sakaling manumbalik na ang mga ala-ala ko. Naghihintay kami ng jeep na daraan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Reagan.." Nakita ko ang paglingon sa akin ni Joyce.
[Where are you? And what's that noise?] Bungad nito sa akin.
"N-Nasa Maynila."
[What are you doing there?] Nag-iba ang tono ng boses nito. Animo'y naging monotone.
"Ahm, maya nalang tay--"
"Seriously, where are you?" Putol nito sa sasabihin.
"Tara na." Singit ni Joyce pagtapos nitong pumara ng jeep.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...