TP63

207 7 1
                                    

Veronica's POV,

Kasalukuyan na kaming nasa eroplano at naghihintay nalang lumipad. Ang kaninang madaldal na si Moon, naging tahimik bigla sa tabi ko. Kinakabahan marahil pagkakita palang kung gaano kalaki ang eroplano sa malapitan. Akala niya maliit lang na parang kasing-laki lang ng bus.

Si Star naman ay tahimik lang simula pa kanina sa bus hanggang makasakay kami ng eroplano. Nakaupo siya sa kanan ko habang si Moon ay nasa kaliwa. Napapagitnaan nila ako ngayon.

"Nak, ayos ka lang?" Tanong ko rito. Binigyan lang ako nito ng isang tango saka ibinalik ulit ang tingin sa labas ng bintana.

Napangiti ako nang makita ko si Reagan na nakatingin sa amin. Magkaibang seat kasi kami since pang-tatluhan ang kinuha namin. He's sitting with tatay Bien and nanay Joni.

"Sabihan mo 'ko kapag sumama pakiramdam mo ah o 'di kaya'y matulog ka nalang Moon para hindi ka kabahan?" Sabi ko sa anak ko. Tumango lang ito saka sumandal sa balikat ko.

It was a quick flight. Isang oras lang yata lumipas nakarating na agad kami ng Palawan. Pinatulog ko lang si Moon buong biyahe para bawasan ang hilo niya habang si Star ay aliw na aliw sa pagtingin sa mga ulap. Tanong siya nang tanong sa akin kung nasa loob na raw ba kami ng clouds at kung bakit hindi raw blue ang langit samantalang kapag titingnan sa baba ay color blue raw.

Buhat-buhat ngayon ni Reagan si Moon dahil hilong-hilo pa sa flight. Si Star ay hawak ko ang kamay, parang balewala lang sa kaniya ang flight. She started smiling again, tila ay nagustuhan niya ang bagong experience.

We checked in to the nearest hotel dito sa airport. Nagpupumilit pa si Reagan na siya ang magbabayad ng fee pero naunahan ko na siya. Nakakahiya naman kung pati sa hotel fees namin ay hahayaan ko na siya ulit ang magbayad. Iba ang room naming lima sa kaniya. Kasama ko ang mga anak ko sa isang room at sila nanay Joni at tatay Bien naman sa kabilang room. First time nilang makatulog sa isang hotel kaya tuwang-tuwa sila noong makita nila ang loob. Nagpa-room service nalang din ako since pagod at gutom din ako sa biyahe kaya walang mauutusang bumili sa labas.

Hindi pa man ako nakakapag-ayos ng gamit ay umilaw na ang cellphone ko, tinatanong ako kung kumakain na raw ba ako kahit kakaorder lang namin. Nagtanong pa kung pwede bang kumain siya sa room namin. Pumayag nalang din ako since kawawa nga naman na wala siyang kasabay sa room niya.

"Inaantok na?" Turo ni Reagan kay Star nang makita niya itong humihikab. Napagod yata sa buong biyahe.

Dahil hindi pa ako inaantok, pinatulog ko muna sila Star at Moon. Pinabalik ko muna si Reagan sa kwarto niya para makapagpahinga na rin. Alas kwatro palang kaya hindi pa 'ko inaantok. Sadyang pinatulog ko lang muna ang mga bata dahil alam kong napagod sila sa biyahe. Saka sanay sila matulog ng hapon dahil pinapatulog sila ni nanay Joni pagkauwi ng paaralan bago gawin ang assignments.

Dahil hindi talaga makatulog ay napagdesisyunan ko nalang bumaba para mag-ikot-ikot saglit para bumili ng pasalubong kanila inay. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Paano kung hindi matuwa si inay na makita ulit ako? Hindi ko alam kung matatanggap niya pa ba ako o hindi. Nagbalik sa mga ala-ala ko ang naging karanasan ko sa nanay ko, kung paano ako nagmakaawa at ginawa ang lahat para lang matanggap at mahalin niya ako. Pagmamahal ko sa inay ko ang dahilan kung bakit ko naranasan iyun. Sa kagustuhan kong makuha ang pagmamahal ng nanay ko ay ibinenta ko ang sarili ko sa lalaking 'yun.

"Reagan.." Napalingon ako sa biglang umupo sa tabi ko.

"You're not in your room kaya naisip ko baka naglibot-libot ka na naman at naligaw. Good thing at nakita kita agad. Pinag-alala mo 'ko." Sabi niya. "What are you doing here, by the way?"

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon