Veronica's POV,
"Hindi pa siya nagigising?"
Napatakip ako ng mata sa liwanag na bumungad sa mukha ko pagkabukas ko ng pinto.
Binuksan pala ni Reagan ang shower curtain kaya pumasok ang liwanag sa condo niya.
"Good to hear that. Balitaan niyo 'ko kapag nagising na siya." Nakikipag-usap ito sa tao sa kabilang linya.
Tapos na siguro ang usapan nila kaya binaba niya na ang cellphone niya.
"F^cking freak!" Gulat nitong sambit pagkalingon sa akin. "Kanina ka pa diyan?"
"Hindi naman." Sabi ko sabay iling-iling ng ulo ko. "Good morning pala. Ang aga mo naman nagising. Kala ko 9:00 ka pa aalis."
"Ah yes. I have an urgent meeting kaya nagising ako ng maaga. I have to go." Sambit nito at tumalikod na pero lumingon din nang may makalimutan siya. "By the way, pinapaayos ko na sa tauhan ko ang papers mo for transfer."
Tumango nalang ako kahit tumalikod na siya kaagad pagkasabi niya.
Usapan namin noong birthday niya na pag-aaralin niya ko sa probinsya, sa Laguna.
"I was planning to transfer you to Laguna. Doon kita pag-aaralin."
I was sipping on my frappe when he suddenly said that, kaya tuloy muntik ko ng mabuga ang iniinom ko.
"Ha? Mag-aaral ako? Sa anong kurso?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng tissue sa mesa.
"Anong gusto mong kunin?" Prente nitong tanong sa akin habang naghihiwa ng cake niya.
"Parte ba 'to ng pagtatrabaho ko sa 'yo? Incentives? Ganito na ba sahod ko?" Sunud-sunod kong tanong ko.
Naisip ko kasi parang sobra-sobra na ang bininigay niyang tulong sa 'kin.
Naalala ko pa ang sama ng bungad ko sa kaniya pagkagising ko, at ngayon ko lang narealize na mabait naman pala itong si Reagan.
"No, I just want you to finish your studies." He said while taking a slice on his cake.
"Sige, dahil gusto ko ring magtapos ng pag-aaral. Pero may gusto sana akong hilingin." Direct to the point kong sabi. Tumingin naman ito sa akin na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Papayag lang ako sa sinasabi mo kung iyun na mismo ang magiging sahod ko sa 'yo. Hahayaan mo kong magtrabaho para sa pangkain ko."
"Paano kapag kailangan kita sa oras na may iba kang ginagawa?" Singit naman nito.
Hindi ko naisip 'yun ah.
Pero para akong palamunin kapag pinag-aaral niya na ako tapos sa kaniya pa manggagaling allowance ko?
"Anyway, if you're thinking na feeling mo palamunin kita, then you can treat this as a scholarship and as a scholarship you have your allowance, but you're still working with me as my girlfriend and after you graduate with your chosen course then you'll have your return of service." Mahaba nitong paliwanag.
"So ikaw ang magpapaaral sa akin as sponsor then kapag nakapagtapos na 'ko, magtatrabaho ako para bayaran ang pinagpaaral mo sa 'kin?" Tumango naman siya bilang tugon.
"Teka, bakit sa Laguna? What if kailangan mo 'ko at nasa Maynila ka---"
"I'll go, fetch you." Putol nito sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...