TP61

196 6 0
                                    

Veronica's POV,

Dahil gabi na rin ay napagdesisyunan na naming umuwi para maghapunan. Agad kong kinuha ang ointment sa kwarto para pahiran si Moon sa likod dahil baka sumakit ang katawan kakayuko kanina sa bukid.

"Moon, kapag may klase ka ng araw na 'yan o kinabukasan huwag ka ng tutulong sa bukid ah. Samahan mo nalang sa bahay si Star at sa sabado ka nalang tumulong sa bukid kasi kinabukasan wala ka ng pasok niyan. Naintindihan mo?" Sabi ko rito.

Ayoko kasi talaga siyang pinagtatrabaho. Gusto ko focus lang sila sa pag-aaral niya hangga't kaya ko silang buhayin. Gagawin ko ang lahat para hindi na nila kailangan pang magtrabaho upang pag-aralin sarili nila. Ayokong pagdaanan nila ang pinagdaanan ko noon upang mapag-aral lang ang sarili.

"Eh mama-"

"Moon, makinig sa 'kin. Gusto ko focus ka lang sa school mo. Ganoon ang dapat ginagawa ng mga bata, hindi 'yung pagsasaka. Naintindihan mo ba 'ko?" Sabi ko rito. Hindi na rin naman ito umangal pa at tumango nalang sa akin.

Matapos ko siyang pahiran at pinagbihis ko na ito saka bumaba. Napatingin ako kay Reagan nang lumabas ito ng banyo suot ang damit ni tatay Bien at nagpapatuyo ng buhok.

"Hindi sumakit ang likod mo?" Nag-aalala kong tanong dito.

Iginalaw-galaw niya ang braso niya upang pakiramdaman saka umiling. Kinabukasan pa 'yan sasakit for sure.

"Bagay naman pala sa 'yo ang damit ni tatay Bien." Sabi ko pa at hinagisan siya ng ointment. "Ipahid mo 'yan sa sarili mo kapag nakaramdam ka ng sakit."

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa 'kin.

"Sisilipin ang mga manok kung napakain na ni nanay Joni." Sabi ko. Sumama rin ito palabas saka namin napagdesisyunang umupo sa munting upuan sa harap ng bahay namin. Umalis saglit si nanay Joni at tatay Bien para pumunta ng palengke. Ngayon nalang daw sila aalis habang nandito pa akong magbabantay sa mga bata.

"Ito pala ang naging buhay mo noong maghiwalay tayo." Pagbubukas niya ng usapan.

"Oo. From city girl to probinsyanang babae." Pabiro kong sabi dahil ako mismo ay hindi naisip kung paano ako mapupunta sa ganitong kalagayan gayong laking siyudad ako.

"Hindi ka ba nahirapan?"

"Sino ba ako para magreklamo pa? Eh kung hindi nga 'ko nakita nila nanay Joni, siguro nasa kalsada kami ngayon nanlilimos." Natatawa kong sabi habang iniimagine ang sarili na nanghihingi ng limos. "Hindi ko masasabing nahirapan ako sa pamumuhay nila rito dahil sa totoo lang, masaya ako. Dito ko lang nalaman ang tunay na depinisyon ng tahanan. My comfort place, kumbaga. Hindi siya naging mahirap sa 'kin dahil tinuring ako nila nanay Joni na parang tunay na anak at minahal pati na ang mga anak ko kahit hindi ako nanggaling sa kanila."

"Actually may sasabi-"

"Wait." Sabi ko nang makita ko na sila nanay Joni na may bitbit na malaking plastic. Agad akong lumapit dito para bitbitin ang dala nito sa bahay.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon