Veronica's POV,
Napayuko nalang ako nang mahuli kong nakatingin sa akin si Ms. Chavez at si Reagan pagpasok ko ulit ng office. Hindi pa rin pala 'to umaalis.
"So, you have to be there. Dad invited you and I'm sure he also invited your parents." Nananadyang sabi ni Ms. Chavez nang tuluyan na akong makapasok.
Ramdam ko pa rin ang mga mata ni Reagan sa 'kin, tila sinusundan ang paglakad ko hanggang makaupo. Nagkunwari nalang akong bumalik sa ginagawa ko kanina para hindi na mailang dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Ms. Chavez kanina sa CR.
"Tita will be very happy to see us together." Sabi ni Ms. Chavez nang may diin.
I'm very much aware that he likes Reagan pero hindi ko mapigilang mabahala o matakot sa nararamdaman ko ngayon. Alam kong unti-unti ng nagigiba ang binuo kong haligi sa pagitan namin. Akala ko magiging maayos na ang lahat sa amin. Akala ko maaari na kaming bumalik sa dati. Pero ngayon, parang pinapamukha na naman sa akin ng pagkakataon na hindi kami bagay ni Reagan, na si Irene ang babagay sa kaniya. A well-respected, sophisticated, rich, and perfect woman for a well-respected and powerful man.
Maya-maya lang din, matapos makipaglandian ni Irene kay Reagan ay napagdesisyunan na nitong umalis. Makahulugan pa itong nagpaalam sa akin na parang binabantaan ako kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya.
"Do you want to eat?" Napahinto ako sa pagtitipa nang magsalita si Reagan.
"Kayo nalang po, marami pa 'kong tatapusin eh." Nasabi ko nalang kahit gusto ko naman talaga. Ayoko muna kasing bigyan ni Irene ng kahulugan ang pagtatrabaho ko kay Reagan. Nandito ako para bayaran ang ginastos niya sa anak ko.
"Po? Tell me, may problema ba?" Binatawan nito ang mouse saka tumayo para lumapit sa akin. Agad ko ring inalis ang paningin ko sa kaniya at tinuon nalang sa sinusulat ko sa screen. "May sinabi si Irene sa 'yo? Ayaw mo 'kong papuntahin sa party bukas? Okay lang sa 'kin. Mas okay sa 'kin 'yun."
"Talaga?" I was caught off guard sa salitang lumabas sa bibig ko. Napakagat nalang ako ng labi dahil sa kahihiyan.
Bumaba ito at umupo nang hindi tumatama sa sahig ang pwet habang ang hinihuli ang paningin ko. "Why do I feel like you're jealous?"
"Ha? Hindi ah. Mas maganda nga 'yun para maaga rin akong makauwi at.. at makabisita pa 'ko sa mga anak ko sa Laguna." Hindi ko na alam mga pinagsasasabi ko, basta nagdadahilan nalang ako. Bakit ko naman kasi siya pipigilang pumunta ng party na 'yun? Sino ba ako sa kaniya? Hindi pa naman kami nagkakabalikan.
"Ayoko. Sasama ako sa 'yo."
Napaayos ako ng upo nang dahil sa sinabi niya. "Hindi. Gagawin mo roon? Umattend ka sa party, hahanapin ka ng mga magulang mo ro'n."
"I'm not a kid anymore. I can go wherever I want without asking for their permission." Umirap pa ito.
"Pumunta ka." Sabi ko ulit dito.
"Ayoko. Sasama ako sa 'yo." Tumayo na ito at kinuha ang kamay ko para hilahin patayo.
"Reagan, hindi mo ba alam.. na may gusto sa 'yo si Ms. Chavez?" Nagbabakasakali kong tanong dito.
"Alam ko pero 'di naman siya ang gusto ko so why bother?.. Nagseselos ka ba?" Nakangisi nitong tanong sa akin habang nakapamewang.
"Hindi.. ayoko lang ng gulo. Natatakot ako na baka.. na baka gawan niya ako ng masama kapag nalaman niya ang tungkol sa 'tin." Seryoso kong sabi rito. Bigla namang naging seryoso ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...