Veronica's POV,
"Reagan.." Sambit ko sa pangalan niya. "Ginagawa mo rito?"
"Sinundan ka." Sagot pa niya.
Lumingon ako kay nanay Joni at tatay Bien na nagpatuloy sa kaniya.
"Ahm, nay, tay gusto niya raw po bisitahin si Star. Gusto niya raw po masiguro na maayos po ang naging operasyon niya." Pagdadahilan ko nalang kahit alam kong hindi talaga iyun ang dahilan ng pagsama niya sa 'kin. He's just being clingy.
"Mabuti naman at salamat ulit sa pagpapautang niyo po sa amin." Ngumiti pa si nanay Joni kay Reagan.
"Mababayaran ka rin namin." Tumingin pa sa akin si tatay Bien saka ibinalik ulit kay Reagan.
"Bueno, yayain nalang din kita hijo kumain, saktong-sakto at maaga akong nakapagluto. Kaso gulay lang ulam namin, kumakain ka ba no'n?"
"Ayos lang po, hindi naman ako mapili sa pagkain." Magalang na sagot nito sa nanay at tatay ko.
Nagtagal ang tingin ko kay tatay Bien nang makita kong nakatitig lamang siya kay Reagan at tila'y sinusuri ito. Mali yatang pumayag akong pumunta si Reagan dito dahil mukhang hindi natutuwa si tatay Bien.
"Mabuti naman, hali na kayo." Tawag sa amin ni nanay Joni.
Siya na rin ang gumising sa dalawa para sumabay na sa 'min. Hindi raw talaga pinapatulog nang matagal ni nanay Joni 'yung dalawa kong anak lalo na si Moon dahil sumasakit daw ang ulo kapag nasobrahan sa tulog. Hindi kasi sila sanay.
"Hello po." Bati ni Star kay Reagan nang makita niya ito. "Mama!" Agad din itong lumapit sa akin upang bigyan ako ng mahigpit na yakap. Sumunod naman ay 'yung panganay ko.
"'Di ba po ikaw 'yung lalaki sa ospital?" Pambungad ni Moon.
Nginitian naman siya ni Reagan saka tumango. "Opo, ako po si Reagan.." lumingon pa siya sa akin saka sa anak ko. "Kaibigan ng mama niyo."
Nasa tapat ko si Reagan habang nasa kaliwa ko si Star. Nasa kaliwa rin ni Star ang kuya niya. Mabuti nalang talaga at sinanay ni nanay Joni ang mga bata kumain ng gulay kaya hindi sila mahirap pakainin nito.
"Lolo sama ako." Sabi ng panganay ko sa lolo niya.
Humigop muna si tatay Bien nang kape niya bago sumagot sa anak ko. "Sige sige. Kumain ka muna diyan at magtatanim tayo."
"Yey! Ikaw po kuya, Reagan, sama ka po?" Agad akong napatingin sa katapat ko.
"Ah, anak, kasi.. hindi pwede si kuya Reagan mo sumama." Ako na mismo ang sumagot. Alam kong hindi sanay o walang alam si Reagan sa pagtatanim. Hindi siya marunong sa gawaing bukid.
"Bakit po mama? Hindi ka marunong magtanim kuya? Tuturuan ka ni lolo kung gusto mo." Tuloy-tuloy na sabi ni Moon kay Reagan.
Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako. "Pwede mo ba 'ko turuan?"
"Ha? Bakit ako? Hindi pa naman ako big, hindi pa 'ko magaling. Mas magaling si lolo Bien kaya sa kaniya ka magpaturo."
Parang gusto kong matawa sa sobrang cute ng anak ko. Five years old palang siya kaya kahit lalaki siya ay pangmaliit pa rin ang boses niya.
"Ayos lang pong sumama, Sir?" Baling ni Reagan kay tatay Bien. Inilipat ko rin ang tingin ko sa harap.
"Kung ayos lang sa 'yo." Tipid nitong sagot.
"Naku, nakakahiya naman sa inyo. Kahit manood ka nalang doon hijo. Alam naman namin na hindi ka sanay sa gawaing bundok." Singit ni nanay Joni.
"Ayos lang po kung ayos lang din kay Jade." Napaayos ako ng tingin nang tingnan niya ako.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...