Veronica's POV,
Tatlong linggo matapos ang birthday ko ay hindi pa 'ko pinupuntahan o tinetext o chinachat ni Reagan.
May naggawa ba 'ko na 'di niya nagustuhan?
Nagalit ba siya kasi naungkat ang tungkol sa kanila ni Maristella?
"Oh Jade, let's go. We have to practice for our presentation." Napalingon naman ako kay Kylien nang tawagin niya ko. Tumango nalang din ako bilang tugon at tumayo na sabay kuha ng headband ko, pantabon ng baby hair ko.
Dahil malapit na intrams namin, kaming mga kasali sa dance troupe ay ang magpeperform sa stage for the opening program and lighting of torch.
"Forward, forward, and slash, slash. Then backward, pitik!" Instruct ng trainor namin.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko si Reagan. Last week lang naghatid ng grocery ang lalaking naghatid sa akin dito noon na tauhan niya. Tinanong ko kung nasaan si Reagan, ang sabi lang niya busy sa business and sa school niya.
"Ok, water break!" Sigaw ng trainor namin. Kinuha ko naman ang tubigan ko at ininuman. Kinuha ko rin ang cellphone ko, hoping na sana nagtext si Reagan para sabihing kailangan na naman namin magpanggap.
Ganoon lang ang ginawa namin maghapon dahil wednesday naman ngayon at wala kaming class. Pagod din 'tong pinasok ko, may doxology pa kaming pagpapractice-an. Napasok pa ko roon kasi sabi raw malambot ang katawan ko, ako raw ang bubuhat-buhatin.
After ng practice namin ay dinismiss din kami kaya bagsak ang katawan ko nang makauwi sa apartment.
The next day, same routine lang din. Aral then practice sa studio after ng class. Kapagod pagsabayin ang clubs and grades.
Pauwi na ko ng apartment at bahagyang nagulat nang makita ko si Reagan na nakasandal sa pader ng apartment ko. Naka-uniform pa ito at bahagyang naka-loose ang tie nitong kulay maroon. Nakalagay sa bulsa nito ang dalawang kamay habang nakayuko.
"Reagan." Napalingon naman ito sa akin na parang pagod. Agad ko naman itong nilapitan pero napaatras ako kaunti nang ibagsak nito ang ulo sa balikat ko. "Teka, saglit."
Aligaga ako sa pagbukas ng pinto ko dahil nakasandal ang ulo ni Reagan sa balikat ko. Hirap na hirap pa ito dahil sa tangkad niya.
Pagkabukas ko ay inupo ko naman siya sa sofa ko. Nilapitan ko naman ito agad at parang napaso naman ako nang hawakan ko ang noo niya.
"Bakit nagpunta ka pa rito kung may sakit ka? Paano kung nadisgrasya ka sa daan dahil nahimatay ka? May sakit ka na naman? Bakit mo kasi pinapabayaan sarili mo?" Sunud-sunod lang ang bunganga ko dahil sa kaniya. Nag-drive ba naman nang may sakit? Paano kung naaksidente nga siya? Paano kung may nangyari sa kaniyang masama?
Hindi na ito sumagot at humiga nalang sa sofa ko. Tumayo naman ako para dali-daling kumuha ng bimpo at tubig sa planggana. Nilagay ko naman sa noo niya ang basang bimpo at pumunta sa kusina para ipagluto nalang siya ng sopas para mapainom ko na rin ng gamot.
"Oh, bangon ka muna saglit, pakakainin lang kita para makainom ka na rin ng gamot." Panggigising ko sa kaniya. Tumayo naman siya at kumain naman habang sinusubuan ko. Pinainom ko naman siya ng gamot saka ko dinala sa kwarto ko para doon na siya patulugin dahil sasakit lang likod niya kung dito siya matutulog.
Habang natutulog siya, ginawa ko naman ang assignment ko sa desk. May quiz pa kami sa RPH. Nang matapos ay lumabas na 'ko para doon matulog sa sofa dahil maaga pa klase ko bukas. Sinilip ko naman si Reagan na ngayo'y tulog ma tulog sa higaan ko.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...