Veronica's POV,
Ilang araw na ring hindi ko nabibisita si inay. Nanghihingi ako ng update kay Joyce tuwing dumadaan siya sa amin kaso hindi niya naman daw nakikita ang inay ko sa labas at lagi raw nakasara ang pinto at ilaw. Sabi ni Joyce baka sumama na raw sa lalaking nakilala nito. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya nagpaalam ako kay Reagan na kung pwede ko sanang puntahan ang bahay namin. Ayaw niya talaga sanang pumayag kasi 'di ko raw siya kasama pero sinabi kong magpapasama nalang ako kay Joyce which is hindi naman talaga totoo. Alam kong busy 'yung babaeng 'yun.
[Make sure to call me if anything happens ah. Matuto kang dumistansya kung alam mong naaagrabyado ka na.] Sabi ni Reagan sa tawag.
"Yes, daddy." Biro ko sa kaniya at tumawa ng mahina.
[Ok, mommy. Uwi ka agad para gawa tayo ng baby.] Ganti nito kaya nahinto tuloy pagtawa ko.
"Gawa ka mag-isa."
[Pwede ba 'yun? By partner 'yun eh.] Hirit pa nito kaya napailing nalang ako. Puro walang kabuluhan mga sinasabi eh.
Maya-maya lang din ay pinatay ko na ang tawag dahil kailangan ko pang maligo. Sa totoo lang natatakot ako na baka madatnan ko roon si Will at bantaan na naman ako. Pero siguro naman sa tagal na ng panahon ay baka nakalimutan niya na ako. Kaya nga siguro hindi niya na ako hinanap dahil nakalimutan niya na ako. Sana nga ganoon nalang.
Bumyahe na ako papuntang Maynila sakay ang pampasaherong bus. Sumakay na rin ako ng jeep dahil alam ko na rin naman ang sasakyan. Ayoko mag-taxi dahil baka singilin lang ako ng malaki. Sarado ang bahay pagdating ko. Hinanap ko agad ang susi sa maliit na pot na pinaglalagyan ni inay kapag wala siya sa bahay at inuksan na ang pinto.
Nagtungo agad ako sa refrigerator para tingnan kung may stocks pa si inay na makakain. Bumungad agad sa akin ang maraming pagkain na hindi nagalaw. Bulok na ang ibang mga gulay, halatang matagal ng hindi umuuwi si inay. Hindi ko maiwasang mag-alala na baka napa'no na siya. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin dahil wala rin naman akong number niya.
Sunod kong tiningnan ay ang mga damitan niya. Napakunot nalang ang noo ko nang mapansin kong kaunti nalang ang mga damit niyang naroon. Marahil ay sumama na talaga ito sa lalaking nakita namin noon na kasama niya. Tiningnan ko muna saglit ang bills na nasa taas ng ref. Hindi ko alam kung nabayaran na ba ito ni inay o hindi kaya binayaran ko na rin through online para hindi na rin maperwisyo si inay, nasa 200 hundred lang naman.
Naglinis na muna ako ng bahay dahil wala naman akong ibang maggawa rito. Tinapon ko na rin ang mga nabulok na pagkain sa ref at naglaba na rin ng mga naiwang damit ni inay. Nang mapagod ako ay pumasok muna ako sa kwarto ko para matulog. Buti umaandar pa 'yung ceiling fan ko sa kwarto.
Nagising na lamang ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto namin. Madali akong tumayo para pagbuksan ito nang bumungad sa akin si Will kasama ang mga bodyguard nito. Napakunot ang noo ko nang makita ko itong nakaupo sa wheelchair.
"Long time no see, my Jade." Bati nito sa akin.
Napaatras ako nang lumapit ito papasok. I can hear my heart beating fast. Kinakabahan ako lalo na't ako lang mag-isa rito. Hindi ko alam kung paano umakto dahil pinapangunahan ako ng takot. Akala ko hindi na siya ulit magpapakita sa akin. Hindi ako makapagsalita at natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kaniya na may iba na akong boyfriend ay baka gawin niya ulit sa akin ang dati.
"Where are you all this time, my Jade? I've been looking for you everywhere. You didn't even tell me that you already moved out in this house." Tuloy-tuloy ang pasok nito bago lumingon sa akin. "So where are you staying now?"
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...