Veronica's POV,
Kasalukuyan kong binibihisan ang mga anak ko para magtungo sa bahay nila inay, para makilala na rin nila ang isa pa nilang lola.
"Anak, ayos lang ba talaga na kasama kami?" Nag-aalangang sabi ni nanay Joni.
Napabuntong-hininga na lamang ako sabay ngiti sa kanila. "Oo naman po, nay. Gusto niya nga raw po kayong makita nang personal para pasalamatan sa pagkupkop ninyo sa akin." Sabi ko para gumaan ang loob nila.
"May pamilya na siyang bago, sabi mo." Sinuklayan ko na ang buhok ni Star matapos kong itirintas ang itaas. "Ayos ka naman doon?"
"Ayos lang naman po sa 'kin. Masaya akong makita ang pagbabago sa buhay ni inay." Seryoso kong sambit.
Aaminin kong naiinggit ako sa kapatid ko. Naranasan niya ang maalagaan ng nanay ko samantalang ako kapag nagkakasakit ay pinipilit ko pa ring tumayo para ipaghanda ang sarili ko ng makakain. Sila marahil ngayon ay tinatabihan ni inay sa pagtulog samantalang ako dati ay hindi man lang makalapit sa kaniya. Maraming bagay ang hindi ipinaranas ng nanay ko sa akin pero kahit na ganoon ay masaya pa rin ako na kahit man lang sa kapatid ko ay naiparanas niya ang mga 'yun.
Binigyan lamang ako ng isang ngiti ni nanay Joni saka iniunat ang kamay kay Star. Pagtapos ko silang bihisan ay ako naman ako nagbihis. Tanghali na kami pupunta roon para saktong lunch nila inay. Bumili na rin ako ng dadalhin na pagkain, nagpasama ako kay Reagan kanina, or more likely sinamahan niya ako dahil baka raw maligaw ako. Natatawa pa nga ako dahil nakabusangot ang mukha niya sa tuwing may tumitingin sa aking lalaki. Isasako niya nalang daw ako o 'di kaya ay dudukutin niya nalang daw mga mata nila.
Pagtapos kong magbihis ay sabay-sabay na kaming umalis. Kasama ko sa isang sasakyan ang mga anak ko samantalang nasa isang sasakyan naman si Reagan kasama sila nanay Joni at tatay Bien. Pagdating namin ay sinalubong kaagad kami ni inay. Pinapasok niya muna kami sa bahay nila at giniya papunta sa lamesa. Nakahanda na ang pagkain, parang hinihintay niya na lamang na dumating kami.
"Moon at Star, bless kayo kay lola niyo. Lola niyo rin siya. Siya ang totoo kong nanay." Sabi ko sa mga anak ko. Nagtataka man sa sinabi ko, sinunod pa rin nila ako, nagmano pa rin sila kay inay.
"Ito na ba ang mga apo ko?" Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang mukha ng dalawa. "Kasing-edad niyo lang halos si Vexin. Kambal?" Binigyan ko na lamang si inay ng isang tango. "Ang gaganda at gagwapo. Mana sa lola."
"Magandang araw." Bati ni nanay Joni kay inay.
"Kayo ba ang nagpatira sa anak ko sa bahay niyo?" Bungad niya kaagad sa kanila ni nanay Joni at tatay Bien. Ngumiti muna si nanay Joni at dahan-dahang tumango. "Naku hindi ko kayo mapapasalamatan nang lubos. Pero kahit na, gusto ko pa ring magpasalamat sa pagpapatuloy niyo sa kaniya. Hindi ko kayang suklian ang ginawa niyo. Salamat at pinaramdam niyo sa kaniya.. ang hindi ko naiparamdam sa kaniya." Unti-unting humina ang boses niya sa dulo.
"Parang anak na ang turing namin sa kaniya. Siguro binigay siya ng Diyos sa amin para maramdaman ko ulit kung paano maging ina." Nahihiya akong lumingon kay nanay Joni na ngayon ay nakatingin din sa akin. "Minsan na rin akong nawalan ng anak kaya masaya ako na nakita namin siya. Nagkaroon pa 'ko ng dalawang apo."
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...