Veronica's POV,
[Kagigising mo lang?] Tanong sa akin ni Reagan pagkasagot ko ng tawag niya. Nagtanggal muna ako ng muta sa mukha bago buksan ang video para makita niya rin itsura ko.
"Hm.. exam week niyo na ngayon 'di ba?" I ask before getting off the bed at mag-ayos ng higaan.
[Isang subject lang. That's why I called you.. to see my baby's face. Argh, motivation!" OA nitong sabi. Ganiyan na siya ka-OA simula no'ng maging kami. That side of him is only for me to see. Hindi naman kasi siya ganiyan kapag may ibang tao, kaya siguro hindi rin siya nagpapakita ng ganiyan niyang ugali noong hindi pa kami. I'm just glad that he let me see his childish side.. I just felt like, he's comfortable with me.. and that is important in a relationship.
Tinawanan ko nalang ito at nagpunta na sa banyo para magtoothbrush.
[Ow, hold on babe. Magvivideo-call ba tayo while you're taking a shower?]
Agad ko naman itongkinunutan ng noo. Ang bastos na naman ng isip. "Abnormal ka na naman! Sisilpilyo lang ako."
[Sayang..]
Inambahan ko nalang ito ng kotong kahit hindi ko naman talaga siya makokotongan sa cellphone.
[Can't wait to marry you..] umakto pa itong parang batang paiyak na. [Alam mo ba babe, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaka-review tapos hindi mo man lang sinagot tawag ko kagabi.. kulang tuloy ako sa motivation.]
"Grabe.. 'di naman kasi ako na-inform na by pair na pala pagrereview ngayon." Sabi ko rito habang nagtotoothbrush.
[Do you know that thing called inspiration? You know.. when you're doing something and you will be more willing to do that if you have an inspiration. And in my case, it's you.. you're my inspiration, babe. Tapos hindi ka man lang nagpakita sa 'kin kahit sa phone lang.]
Gusto ko nalang ibaon siya sa lupa sa sobrang cheesy niya. Hindi ako makasabay.
"Hanggang anong oras ba klase mo?" Pag-iiwas ko sa mga banat niya. Hindi 'to nauubusan ng banat kapag kami lang magkasama eh.
[3pm. Punta rin ako diyan af--]
"Huwag na. Mag-review ka nalang sa condo mo. 4th year ka pa naman na." Pigil ko sa sasabihin niya.
Sorpresahin ko nalang siya roon. Gusto ko rin namang bumawi sa mga araw na lagi siyang pumupunta sa apartment ko para samahan ako, painumin ng milk at pakainin ng kung ano-anong food for the brain daw kahit sinabihan ko na siyang huwag ng mag-aksaya ng pahinga. Pero sinagot ba naman ako na makakapagpahinga lang daw siya kapag nakikita mukha ko. Kinumpara pa nga 'ko sa unan na masarap daw yakapin. Also, may ipapaalam din pala ako sa kaniya.
[Ouch..] kunwaring malungkot pa nitong turan. [Oh, sige na baby. Gotta go.] Paalam nito bago patayin ang tawag.
Pagkatapos kong magtoothbrush ay naligo na 'ko at nag-ayos para pumuntang grocery saglit at mamimili ako ng pagkain niya sa ref. For sure puro may preservatives lang nandoon. Kaya naman lulutuan ko nalang siya mamaya.
Nagpaturo ako kung paano sumakay pa-Maynila through tracking. Pagkarating ko sa terminal ng bus ay nagbayad na rin ako at hinintay nalang na umalis ito. Sa Cubao naman babaan nito. Familiar naman ako sa Cubao, I think.
Ilang oras lang din ay nakarating na akong Maynila. Nag-taxi nalang ako dahil hindi ko pa alam kung paano mag-compute papunta sa building niya. Pagkarating ko ay umakyat na 'ko sa unit niya at sinubukan kung same pa rin ba ang passcode ng bahay niya. Gladly ay 'di naman pala ito nagpalit ng passcode.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceRATED SPG! Nagtatrabaho si Jade bilang dancer ng club para matustusan ang nanay niya pati na ang pag-aaral niya. Ito rin kasi ang gusto ng nanay niya kaya napilitan siyang mamasukan rito at bilang isang anak na gagawin ang lahat mahalin lang ng nana...