Chapter 21

65 5 5
                                    

The Second Element, Fire


I panicked when I thought my hand was set on fire kaya halos mabali na kamay ko kakawagayway sa kan'ya, sa kagustuhang mamatay ang apoy. Nang tuluyan nang mamatay ay ni isa sa'min walang nakagalaw dahil sa gulat at pagtataka. 

Umayos ako ng tayo dahil halos libutin ko na ang buong training room dahil sa panic ko kanina. Dumapo naman ang tingin ko kay Rowena at kitang-kita ko ang gulantang na gulantang nitong mukha at nagmadali pang pumunta sa'kin para i-check ang kamay ko.


"A-Ano nangyari? P-Paano naging posible 'yon?" Marahas akong umiling at binawi ang kamay ko mula sa kan'ya.

"H-Hindi ko rin alam." Sagot ko dahil 'yon naman ang totoo.

"I thought you said she have ice as her command?" Kunot noong tanong ni Red na panigurado isa ring gulat at takang-taka sa kaganapang nangyari. Bruh, kahit ako, lahat tayo rito okay? So 'wag n'yo naman akong tignan na parang isa akong alien oh?

"Oo nga, ayo'n din ang pagkakaalam ko." Kunot noong sagot ni Rowena sa kan'yang kuya.

"Ako rin, ayo'n din ang pagkakaalam ko." Muli akong nakatanggap ng tingin na para bang may dalawa akong ulo sa magkabilang balikat. "'Wag n'yo akong tignan ng gan'yan, wala rin akong alam okay?"

"Do it again." Natanga naman ako kay Red dahil sa sinabi n'ya.

"Huh?" My dumb ass asked him even though I clearly heard him earlier. "Sorry, ayaw lang talaga mag-process ng utak ko." Sabi ko at umiling-iling. Get a grip, Dorothy.


Hinanda ko naman ang sarili ko at lumayo naman silang dalawa kung in case mang masunog sila dahil sa'kin. Huminga ako ng malalim at muling sinubukan ang pag-summon ng command then there it is again, a burning fire pero agad ding nawala nang muli akong magpanic at sinubukang patayin ito.

Tumingin naman ako sa dalawa at hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil sa mga itsurang binibigay nila sa'kin, but this is not the time to laugh at them 'cause for sure I'm also laughable nu'ng parang tanga akong umikot-ikot sa training room para lang patayin ang apoy na mismong sinummon ko.


"Trust me, I also don't know what's happening." Sabi ko.

"That night." Pareho kaming napalingon ni Red nang marinig naming magsalita si Rowena. "Yes, right! That night!" Sabi nito at tinuro ako, ako naman ay napaturo rin sa sarili.

"What 'night'?" Takang tanong ko.

"Nu'ng last day ng annual meeting! Ano nangyari sa inyo nila Elliot? Nagulat na lang kami halos kalahati ng gubat ay nasusunog!" Hindi ako makapaniwalang tinignan s'ya like she reminded me something that I shouldn't forget in the first place!

"Oo!! Naalala ko na!!" Sabi ko at para namang naging proud s'ya sa sarili dahil pinaalala n'ya sa'kin ang isang crucial memory na pwedeng maging sagot kung bakit naging apoy bigla ang nailalabas ko imbis na yelo. "Pero ang alam ko lang ay alam ko na kung anong tinutukoy mo pero 'di ko pa rin s'ya totally tanda." Bumagsak naman ang balikat nito sa narinig.

"I think you should ask Noah about this." Suhestyon ni Rowena. "Nagulat na lang kasi kami lumabas kayo sa building na pareho kayong basa habang nasusunog ang parte ng kagubatan doon."

"Noah Langston? The current King?" Gulat na tanong ni Red. Nu'ng una nagtaka ako kung paano n'ya nakilala si Elliot but then again, he's the one who is currently sitting on the first seat. Who wouldn't know him? "You've seen him?" My lips formed into 'o' when I saw Red's eyes twinkling. Wow, can't believe he also idolize him.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon