Not the same ever again
Napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na napahawak sa leeg, napapikit na lamang ako at tahimik na nagpasalamat na panaginip lang ang lahat. Umalis ako ng kama at kahit nanghihina ay piniit kong tumayo at pumunta sa mini pantry ng hospital room para kumuha ng tubig. I am still in the hospital, Rowena refused to let me discharge from the hospital dahil masyado raw seryoso ang mga natamo ko. Funny thing, parang kailan lang she's visiting the hospital because of her brother and now it's because of me, onti na lang titira na ata s'ya rito sa loob ng ospital.
Dahan-dahan akong napaupo sa malamig na tiles ng kwarto at niyakap ang binti. That dream, that nightmare was the worst. In that dream, Luigi was choking me while laughing maniacally. Nanghihinang isinandal ko na lamang ang gilid ng noo ko sa malamig na pader at hindi maiwasang muling maiyak sa sitwasyon na meron ako.
Nagliwanag ng bahagya ang madilim na kwarto dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto at ilang segundo pa ay pansin ko paghangos ng isang tao papalapit sa'kin nang makitang wala ako sa kama. A big rough but warm hand grabbed my arm dahilan para mapatingala ako at bumungad sa'kin ang nag-aalalang itsura ni Elliot.
"Umalis lang ako saglit," tila nahihirapang saad nito at niyakap na lamang ako. "Wala ka na agad sa kama mo." His voice muffled and his torso vibrates as he spoke while his warm body covers mine. We stayed there for a minute bago n'ya ako tinulungan tumayo at inalalayan papunta sa kama.
"You'll eventually heal, trust me." Sambit nito makalipas ang ilang minutong katahimikan. "We'll find a way, okay? Ako na bahala so stop worrying, hmm?" He caressed my cheek down to my neck at napapikit na laman ako sa gaan ng haplos nito. Just when will I wake up from this nightmare? I don't want this anymore. Nakarinig ako ng tikhim galing sa kan'ya at para bang napapasong binawi ang kamay n'ya sa'kin at bahagyang lumayo.
"A healer will visit you later, she can help you." Sabi nito at hinawakan ang doorknob na para bang may iba pa s'yang lakad.
"Saan ka pupunta?" I mumbled, hesitant to ask because I have been a bother to him ever since then. Fortunately he heard me.
He smiled, then answered. "Magpapahangin lang." Sagot nito at tuluyan nang umalis.
Minutes later, a familiar woman came out from the white door as her short red hair shone from the light outside. Her cold eyes met mine, and without warning she switched the lights on. Napapikit at napahawak ako sa mata ko dahil sa liwanag pero agad naalarma nang marinig ko ang tunog ng takong nito sa malamig na puting tiles ng ospital. Rinig na rinig sa buong kwarto ang pagkaluskos ng papel na nakalagay sa isang clipboard na hawak nito hanggang sa tumigil ito sa isang pahina na nasisiguro kong tungkol sa'kin.
"Have we met before, Dorothy Dawn Parker?" Instead of answering, I just stared at her. "I'll take that as a yes." Buntong hiningang saad nito at may sinulat sa papel na hawak. Muli ay tanging tunog lamang ng sumusulat ballpen sa papel ang maririnig sa buong kwarto hanggang sa nagtanong ito, dahilan para mabasag ang mapayapang katahimikan.
"The girl who's with you earlier, was her name Lanticse?" Tanong nito. Again I just stared at her and did not bother answering her. "How can I check up on you if you're not answering any of my questions?" Tila ubos ang pasensya na sambit nito at hindi na napigilang mapa-irap sa kawalan.
"Anyhow, just like what your boyfriend told you, there is still hope. So you better answer my damn question so I could finally help you." Buntong hiningang sambit nito habang ako naman ay hindi napigilang mamula sa narinig.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...