Chapter 3

116 12 8
                                    


Make the Right Choices


Tahimik akong bumaba ng entablado at hinintay ang susunod na sasabihin ni Rowena na kasalukuyan pa ding nakatingin sa'kin. Nginitian ko s'ya na ikinaismid n'ya at bumaling sa iba pang examinee na pumasa sa first part ng exam.


"I-It's a good thing that you guys passed the v-very first part of the exam!" Tinry nitong pasiyahin ang boses ngunit hindi nito tuluyang nagawa dahil sa pagnakaw nito ng tingin sa akin na ikinataka ko. "I'm glad but I can't congratulate you any longer because the time is running so let's now head for the second part of the exam." Muli itong tumikhim at ipinakita ang isang dummy na tulak-tulak nanaman ng lalaking kanina ay nagdala ng stone.

"Ang gagawin n'yo lang naman ay ubusin ng tuluyan ang health points nitong dummy but there is a time limit at kailangan within 20 minutes ay ubos na ang health points nya." Nagtapon ito ng tingin saglit sa lalaking nagdala ng dummy bilang signal na maari na s'yang umalis na ginawa n'ya naman. "So who wants to try?" Walang nag-taas ng kamay o sumagot manlang sa tanong ng babae hanggang sa may umakyat na babae at sinubukan ang dummy.


Isang mannequin ang dummy kaya nagulat halos lahat kaming examinees nang gumalaw ito at sinimulang atakihin ang babae. Wala naman kasing sinabi si Rowena na umaatake ang mannequin kaya naman tiningnan ko s'ya at bahagya pang nagulat nang mahuli ko syang nakatingin din sa akin.


"Oh I forgot to add! The dummy also attacks you." Narinig ko ang munting angilan ng ibang examinees at isa na doon si Pigtails.

"Umaatake sila? Edi imposible nang maubos ang health points nila within 20 minutes!" Rinig kong sambit nito sa sarili, bumaling naman ang atensyon ko sa bumabang si Rowena mula sa stage papunta sa amin ni pigtails.

"Oh no it's not impossible sweety, actually there's a secret." Ngumisi ito ng nakakaloko kay Pigtails na ikinatakot naman ng huli. "Mahina lang ang dummy kaya kapag inatake mo sya kahit isang beses ay posibleng maubos kaagad ang health points nito, nagiging imposible lang dahil sa sobrang higpit ng offense at deffense nito." Bumaling kami sa nagpeperform na babae at halata sa mukha nito ang paghihirap, napuno lang ng pagkabigo ang mukha nito nang tumunog na ang bell bilang hudyat na tapos na ang 20 minutes nito.

"I'm sorry to tell you this but you didn't passed the exam, Miss." Napalingon naman ako kay Rowena na nasa taas na pala at hawak-hawak ang balikat ng babae, tumango naman ang huli at bagsak ang balikat na umalis ng kwarto. "Who's next?" Bumaling ito sa amin ng nakangiting muli at walang sumagot sa tanong nito.

"Oh c'mon guys! Hindi tayo uusad nito kung walang magvo-volunteer." Natuwa naman si Rowena nang may umakyat na pero muka namang napilitan lang ito pero kahit na ganun ay sinubukan n'ya pa rin.


Katulad ng nauna, pare-pareho ang eksena. Walang nakapasa. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Pigtails ang natira. Bumaba ng entablado si Rowena at nakangiting pumunta sa amin.


"Sinong mauuna?" Walang sumagot ni isa sa amin kaya napabuntong hininga na lamang ako at humakbang papunta sa entablado. Sana sa gagawin kong 'to makapag-handa na si pigtails.


Umakyat na ako at hinarap ang dummy na agad akong inatake ng suntok pero nasalag ko ito gamit ang kanang kamay, mabilis akong naglabas ng kutsilyo na gawa sa yelo at inatake sya sa tyan gamit ang kaliwang kamay ko pero nasalag n'ya iyon kaya ang ginawa ko ay mabilis akong umayos ng tayo at ibinuka ang dalawang braso at dahil nga hawak-hawak nya ang dalawang kamay ko ay pati sya nasama sa pagbuka dahilan para magkaroon ako ng opening at agad syang sinipa sa dibdib.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon