Chapter 33

59 5 0
                                    

The Fun of Adventure lasts


After we left the restaurant earlier ay agad kong sinabi sa kanila ang pagkakaroon ng koneksiyon ng tatlong lalaki sa tatay ni Lantincse.


"A-Are you saying na may kinalaman sila sa pagkawala ni Dad?" Nanginginig na tanong sa'kin ni Lanticse, malungkot na tumango naman ako sa kan'ya kahit na alam kong hindi n'ya ako nakikita.

"Oo." Sagot ko. "Remember that time na kalalabas ko pa lang ng CR? I accidentally opened their room and I heard their conversation." Napakagat na lamang ako ng labi at hindi na dinagdagan pa ang balita ko sa kan'ya. 

"A-Ano sabi? I need to hear what they did to my dad!" Pagpupumilit ni Lanticse na medyo nasasaktan na ako sa higpit ng hawak nito sa palapulsuhan ko.

"Lanticse." Malamig at may himig ng galit na tawag ni Elliot kay Lanticse na s'ya namang ikinabitaw sa pagkakahawak sa'kin. 

"I-I'm sorry," naiiling at naiiyak nitong sambit, "I'm just desperate to find him." Agad na inagapan ni Riguel si Lanticse nang mapaupo ito sa lapag.

"So ano plano mo?" Tanong sa'kin ni Riguel habang nananatiling nakaagapay ito kay Lanticse.

"I plan on spying them." Determinadong sagot ko at hindi mapigilang hindi ma-excite. Pansin ko naman ang pagkagulat nilang tatlo sa plano ko.

"What?! No!" Lalo na si Elliot syempre. "It's too dangerous!"

"Anong magagawa natin?" Iritadong baling ko sa kan'ya. "This is the only lead we have, Elliot." 

"Y-You'll really do that?" Gumapang papalapit sa'kin si Lanticse at muling hinawakan ang kamay ko. "Thank you Roth, thank you so much!" Puno ng galak na sambit nito sa'kin, napangiti na lamang ako dahil sa inasal nito pero agad ding nabawi nang bawiin ako ni Elliot mula kay Lanticse.

"I can't believe you'll risk your friend's life just for your own good." Puno ng pagkadisgusto na sambit ni Elliot. "Baka nakakalimutan mo Lanticse na ang batang Roth ang hinihingan mo ng pabor. Tingin mo ba sa liit ng katawan na meron s'ya ay kaya n'yang protektahan sarili n'ya?"

"I agree with Elliot." Umayos na ng tayo si Riguel at pumamewang sa harap namin. "It's too risky." Naiiling na dagdag pa nito.

"N-No! Listen!" Agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa'kin ni Elliot at hinarap silang lahat. "Being in this form is not a disadvantage, it's an advantage!" Page-eksplena ko sa kanila.

"Ikaw na rin mismo nagsabi, I can't fight nor defend myself with this body which is why I'll be less suspicious!" Pagdagdag ko pa nang walang magsalita ni isa sa kanila. "Gets n'yo ba? This will be the greatest disguise in the world!" Excited na sambit ko at kita ko naman ang pagpalitan ng tingin ng dalawa. Bumuntong hininga na lamang si Elliot habang si Riguel naman ay nakangising nilapitan ako.

"This is a necklace." Kunot noong tinanggap ko ang necklace na binigay n'ya sa'kin. "Just press the accessory and Elliot will come." Nagningning ang mata ko sa sinabi nito dahil ibig sabihin nito ay pinapayagan na nila ako.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon