I said don't let me go
"Kung sinabi lang kanina na may magiging parusa ang mga natalo ay sineryoso ko na dapat 'yon!" Rinig kong pagmamaktol ni Tim habang naghihiwa ng carrots.
"Kasalanan mo rin naman." Kibit balikat na saad naman ni Kean at mas lalo pang natawa nang batuhin s'ya ng carrots ni Tim.
"Anong ako? Ikaw kaya ang nagpasimuno noon!" At dahil doon ay nagbatuhan na sila ng mga hinihiwa nilang gulay.
Nailing-iling nalang ako sa mga pinaggagawa nila sa buhay at hindi mapigilang maalala ang nangyari kanina. Kung tinanggal ko kaya agad yung blind fold? Makikita ko kaya ang mukha n'ya ng malapitan? Bigla akong kinilabutan sa inisip at umiling-iling pa. Bakit naman kasi ako nag-iisip ng gano'n?!
"Okay ka lang?" Napalingon ako sa katabi kong si Rowena na kumakain nanaman ng dala n'yang pagkain.
"Wala, may naisip lang akong nakakakilabot." Sabi ko at muling umaktong kinilabutan na tinawanan lang ni Rowena.
"Ewan ko sa'yo." Naiiling nitong saad at muling ibinalik ang tingin sa harap at pansin ko pa ang bahagyang pagkatulala nito. Kumunot naman ang noo ko sa inasta nito. Eto ang unang beses na makita s'yang tahimik at para bang may malalim na iniisip, palagi kasi s'yang may kwento kaya nakakapanibago.
"May problema ba?" Tanong ko at bumaling naman sa'kin ito at nag-aalangan pang sumagot.
"Secret lang natin 'to ah?" Tumango naman ako bilang sagot at bumuntong hininga pa ito bago muling magsalita. "Remember my partner? Elixir Jimenez? Pamilyar s'ya sa'kin na para bang nakita ko na s'ya somewhere pero hindi ko iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang 'yon pero noong naipartner s'ya sa'kin, for some reason my heart raced ewan ko kung bakit lalo na sa sinabi n'ya kanina."
"Ano ba sinabi n'ya?" Punong-puno ng kuryosidad na tanong ko.
"'You changed.' Ayan mismo ang sinabi n'ya." Sabi nito at hinarap ako. "Ang weird 'di ba?" Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Mukang kilala ka n'ya." Sabi ko at marahas itong tumango na para bang ayan din ang iniisip n'ya pero nakakunot ang noo nito.
"Ayan din ang iniisip ko pero bakit hindi ko s'ya kilala?"
"Maybe you met him in the past? Sabi mo 'di ba? Familiar s'ya sa'yo."
"Baka nga." Sambit nito at bumba ang tingin sa lapag at muling nalunod sa sariling inisiip.
Napabuntong hininga nalang ako at hindi sinasadyang mapunta ang tingin sa lalaki na nakatayo at hindi malayo sa kinaroroonan namin, mataman itong nakatingin sa'min pero noong nagtama ang paningin naming dalawa ay umalis s'ya. Kumunot ang noo ko sa inasta n'ya pero agad napalitan ng panliliit ng mga mata nang marealize kong s'ya yung kapartner ni Rowena. S'ya ba si Elixir? Yung tinutukoy ni Rowena?
Maya-maya pa ay tumayo na kaming dalawa ni Rowena at dumeretso sa lamesa dahil kakain na daw. Lahat naman kami nakatingin sa dalawang magkaibigan na nakatayo. Wala ang mga instructors and professor dahil ihahanda na nila ang susunod na activity pagtapos namin dito.
"We present you..." Masayang sabi ni Kean at nag-drum rolls pa gamit ang lamesa. "Menudo!!"
Tahimik ang lahat nang ipakita sa'min ang malaking mangkok na may lamang sabaw na kulay orange at medyo malapot pa, hindi ko naman mapigilang mapangiwi nang may lumutang pang carrots na ang pagkakahiwa ay yung sa mga pansit bihon. Bahagya din itong bumula kaya napalayo kaming lahat doon.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...