No love, just hate
"An'yare sa'yo girl at parang puyat na puyat ka?" Bungad sa'kin ni Rowena na nakasalubong ko lang din dito sa gate at tulad n'ya ay may dala din s'yang mga gamit. Limpak-limpak na gamit.
"Wala 'to" Matamlay na sagot ko.
Nang maalala ko kasi ang bad habit ko ay hindi na ako nakatulog. Parang gusto kong mag-time travel at hindi na sana sinagutan pa ang form na iyon. Sa tuwing naaalala ko ang katangahan ko ay hindi ko mapigilang kotongan ng sarili ko. Bakit naman kasi sinagutan ko 'yong form na 'yong ng hindi nag-iisip?!
"Buti nalang at pumayag ka doon sa offer nilang dorm!" Excited na sambit nito dahilan para balingan ko s'ya. Actually Rowena ghorl, I'm currently regretting my decision.
"Hindi ba matagal ka na dito?" Tanong ko nang maalala ko na simula palang ng highschool ay dito na s'ya nag-aaral.
"Yep at pagkatapos ng first day of school talaga sila nago-offer ng dorms, weird 'no?" Sabi nito at humagikgik.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko." Sabi ko. "What I mean is bakit ngayon ka lang na-excite?" Kunot noong tanong ko.
"Kasi syempre andito ka na! We'll do what all the common girls do! Late night talks, yung usapan ng mga crush ganoon?" I don't know but by just hearing her plans with me makes my heart melt. Hindi rin naman pala masama na magkaroon ng babaeng kaibigan. "Kaya gusto ko talagang maging ka-roommate mo pero imposible eh."
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi may sariling dorm ang Central kaya gano'n." Nakangusong sagot nito. "Anyway, wala tayong first and second subject kasi magiging abala tayo sa paghahanap ng dorm mo." Sabi nito at inakbayan ako.
"Paano naman yung mga gamit mo?" Tanong ko uli.
"Hayaan mo sila d'yan! Kaya na nila 'yan!!" Sabi n'ya at natawa pa ako nang mag-hand sign na para bang pinapalayas n'ya ang mga tauhan n'ya. "Let's go!" Sigaw pa nito at hinatak na ako papasok habang sumunod lamang sa amin si Vortex.
Para makuha ko ang dorm keys ko ay pumunta pa kami sa lugar kung saan ay pinaagkakaguluhan din ng mga studyante. Isa itong machine na sasabihin mo lang ang pangalan mo ay ibibigay na nito ang dorm keys mo. Mahaba ang pila nito kahit na may iba pang machine, ang dami ba namang estudyante dito.
Habang nasa pila ay syempre hindi maiwasan na lingunin kami, masyado nga kaming takaw-atensyon eh pero katulad ng mga nauna ay nagkwentuhan lang kami ni Rowena at hindi pinansin ang mga usapan nila.
'Why is Rowena with that girl ba? Kahapon pa 'yan ah!'
'Baka friends sila?'
'No imposible, hindi nakikipag-kaibigan si Rowena kahit pa mukha s'yang mabait.'
'But look, they look like they are friends'
'Baka naman nakiki-sipsip?'
"This girls are such a pain in the ass, masyado nilang pinapakielaman ang buhay natin." Biglang sabi ni Rowena nang marinig ang usapan sa hindi kalayuan sa amin.
"Ignore them, ayun naman ang palagi nating ginagawa 'di ba? Masanay ka na." Natatawang sabi ko.
"Yeah we should." Tumatangong sambit nito. "By the way, is it true na close kayo ni Sir Max?"
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...