Chapter 14

97 8 6
                                    

Have a friend like Rowena


Siniko ako ni Rowena nang mapansin hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Hindi ko s'ya pinansin at nanatiling nakatitig sa plato kong punong-puno ng pagkain at para bang nang-aasar pa sila dahil napakarami ng laman ni Black rabbit ang nasa plato ko. Mas lalo tuloy akong napanguso at napagdesisyunang maging vegetarian nalang. Hinding hindi na ako kakain ng lamang hayop!


"Huy! Kumain ka na!" Bulong na sigaw sa'kin ni Rowena.

"Ayoko. Veggies nalang ako." Sabi ko at pinapak 'yung repolyong hindi pa luto sa harapan ko.

"Tikman mo lang girl, makakalimutan mong si Black rabbit mo 'yan." Sinimangutan ko s'ya at sumagot.

"Will you stop mentioning it? From now on it's a taboo! You're making my heart ache!" Pagiinarte ko dahilan para batukan n'ya ako. "Aray ko naman."

"Ano? Heartbroken?" Pilisopong saad n'ya. "Dalian mo! May gagawin pa tayo! Wala kang lakas n'yan mamaya sige ka!" Pananakot pa nito.

"Girl, ano ako? Bata?" Natatawang saad ko dahilan para matawa rin s'ya.

"Kumain ka na kasi! Para kang ewan eh." Pagmamaktol nito. "Eto tikman mo, hindi 'to 'yung ayaw mong kainin! Basta ibang laman 'to!" Natawa nalang ako sa inakto nito lalo na nung iniwasan n'ya talagang banggitin si Black rabbit.

"Masarap ba 'yan?" May pagdududang tanong ko, tumango naman ito bilang sagot at sinubuan pa ako. "Hmmm masarap nga, ano 'to?" Sabi ko nang matikman ko at dahil sa natikman ko feeling ko bumalik lahat ng gutom ko.

"'Yung dala nila Sean, isda ata." Sagot naman nito. "Eto pa, eto pa, masarap din 'to."


Buong oras ng pagkain ay sinubuan ako ni Rowena at pinilit talaga akong pakainin, feeling ko nga boyfriend ko s'ya eh, masyadong mapilit! Pinabayaan ko nalang kahit wala talaga akong gana kumain. Nang matapos na sa pagkain ay niligpit na ni Rowena ang pinagkaininan namin at talagang inaalagaan n'ya ako dahil pati 'yung akin niligpit na rin n'ya, at habang nangyayari 'yon napatingin ako sa dalawang lalaking matiim na nakatingin sa'min. Si Elliot at si Elixir. Anong problema nila? Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan si Rowena at sabay kaming pumunta pabalik sa gitna ng camping site, para sa huling activity dahil last day na.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, basta ang alam ko lang hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Para akong kinakabahan na na e-excite na hindi, basta! Hindi ko talaga ma-explain! Siguro kasi eto na ang last day at nag-eexpect ako ng grande sa huling activity na 'to? Ewan! Basta! Hindi ko nalang masyadong inintindi ang sarili ko at nagfocus sa sasabihin ni Sir Raymundo habang nasa tabi naman nito ay si Miss Bella.


"Is everyone here?" Nang masiguradong andito na nga kaming lahat ay umismid muna ito bago tuluyang nagsalita. "Since this is the last day you'll get the chance to spar with your partner." Sa narinig ay parang tumigil ang mundo ko, wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko. Makakalaban ko si Elliot.


Mas lalo ko tuloy hindi matukoy kung ano ang dapat kong maramdaman pero ramdam ko ang pangingibabaw ng kaba at excitement ko. Excitement dahil finally dumating na ang tyansang pinakaaasam ko at kaba dahil isang bigatin ang kalaban ko.


"Now go and find your place to fight." Kinakausap ako ni Rowena pero hindi ko s'ya naririnig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pag-alis n'ya.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon