Chapter 26

55 5 9
                                    

Another Sad Manipulative Boi


I decided na pumasok ngayong araw dahil napag-usapan naman namin nila Miguel na mag-meet sa training room mamaya 'cause finally they'll teach me how to use those napaka-angas na gadgets, 'di ko tuloy mapigilan ma-excite. As I enter the classroom they all look at me as if isang linggo akong nawala, well totoo naman. I didn't attend classes from Monday to Friday kasi palagi akong na sa training room, and speaking of my training, there is a progress although it's just a small progress pero at least it is still a progress.


"Roth totoo ba?" Papaupo na sana ako sa upuan ko nang magtanong ang isa sa mga kaklase ko.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ko at mas lalo pang na-wirduhan dahil lahat sila ay nakatingin sa'kin at inaabangan ang sagot ko.

"Na may something na sa inyo ni Class Pres. Allen!" Mapang-asar na sigaw ng isa sa mga lalaki at sunod-sunod naman silang naghiyawan.

"Wait, wait, whut?" Takang tanong ko but it's more like to myself kasi hindi nila narinig sinabi ko dahil sa mga hiyawan nila, sumenyas ako na kumalma sila and suprisingly they did calm. "Anong sinasabi n'yo?"

"Oh, is it supposed to be a secret?" Mapang-asar na kumento ng isa sa mga babae na walang galit sa'kin.

"Ayieeee!! Ayan ah! May pag-secret na!!" Mapang-asar na dagdag pa ng kaibigan nito and even before they could make a noise nagsalita na ako.

"Kung ano man 'yang na sa isip ninyo, it's not like that." Kunot noong sambit ko pero 'di nila ako sineryoso at naghiyawan lang sila kaya nakasimangot tuloy akong umupo sa upuan ko.


The class went well, except the fact that they keep bugging me about it. I kept telling them what they know is wrong pero hindi naman sila naniniwala, decided na silang paniwalaan ang kung ano man ang na sa isip nila and that's on them, it's not my fault anymore. But even though I know it's not my fault kung bakit kumalat sa buong school na ang great playgirl slash bad girl, which is me, ay biglang nag-seryoso sa isang lalaking nagngangalang Allen, hindi ko mapigilang mainis kasi hindi ko alam kung paano nila nababaluktot ang mga balita na 'yan.

Inis tuloy akong pumunta ng locker area at hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng noo ko, paliko na sana ako when someone grabbed at agad na niyakap. I wasn't able to move nor bothered to do it 'cause I know who this guy is, it's Elliot. He buried his face deep into my neck na para bang may napaka-laki s'yang problema. Ano bang problema nito? Is he the martyr type? Does he like to get hurt by my words?


"Anong problema mo?" Wala sa mood na saad ko at bahagya s'yang tinulak pero mas lalo lang n'yang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"You should've told me you like someone else." Mas lalong kumunot ang noo ko at padabog na tinulak s'ya, muka namang naramdaman n'ya na I'm not in the mood kaya hindi na s'ya nagpumilit pa.

"Pati ba naman ikaw naniniwala sa tsismis na 'yan?" Inis na sabi ko at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri. "I don't like anyone, I'm not dating anyone, and I'm not interested in dating! Hindi ko alam kung paano kumalat 'yang tsismis na 'yan pero naiirita na ako! My classmates suddenly just asked me if there's something going on between me and the Class Pres. Allen, the one you beat into pulp, I already told them many times that it's not what they think pero mas lumala 'yung sitwasyon! You should've known that dahil alam kong nakita mo na hindi ko s'ya tinulungan nu'ng nag-colapse s'ya sa harap natin, 'cause if I did like him I should've helped him back there! Alam mo 'yon! Pero pati ikaw naniniwala sa tsimis na 'yan?! Kairita ah?!" I saw his face soften and I also noticed that he relaxed his tensed broad shoulders.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon