Hate the Society
Hinihingal kong ibinaon ang espada kong gawa sa yelo at sinamaan ng tingin ang lalaking kalaban ko ngunit tumawa lang ito at inatake ako. Isang malaking tipak ng yelo naman ang humarang sa pag-atake n'ya ngunit nahati lamang ito sa gitna at gamit nito ang espada na gaya ng akin, gawa rin sa yelo.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kan'ya ngunit mas mabilis ang kilos n'ya, agad n'ya kasing nakulong ang mga paa ko sa yelo kaya hindi ako nakagalaw kaya sa huli ako nanaman ang talo.
"Pang-ilang talo mo na 'to? 450?" Nakangising sambit ng ama ko, inirapan ko naman ito nang palayain n'ya ako sa yelo na s'ya mismo ang gumawa gamit ang tatlong patulis na gawa din sa yelo.
"Correction, 449 pa lang!" Sabi ko na muling ikinatawa n'ya.
"Anong pinagkaiba no'n? Eh dun din naman papunta 'yon." Nanliit ang mga mata ko sa pagmamayabang n'ya at dapat sasagutin s'ya nang pingutin ako ni Mama at ganoon din si Papa.
"Aray ko naman 'Ma!!" Reklamo ko habang hinahabol ang tenga ko.
"Baby girl! Aray ko! Masakit!" Daing din ni Papa at pabalibag naman kaming binitawan ni Mama.
"Kayong mag-ama kayo ah!! Nagkalat nanaman kayo dito!!" Namumula ang mukha na sigaw n'ya.
"Worth it naman eh 'di ba guys?!" Sabi ni Papa at bumaling naman sa mga taong nanonood na sumigaw at pumalakpak ang mga bilang sagot.
"Heh! Tigilan n'yo ako!! May mga galos nanaman kayo! Hindi kayo kakain mamaya!" Parehas bumagsak ang panga namin ni Papa sa narinig kaya marahas kaming lumingon kay Mama.
"Ma! Wala namang gan'yanan!!" Sabi ko dito at hinawakan pa s'ya sa braso.
"Tigilan mo ako Roth ah!" Ipiniksi nito ang braso at kumawala sa pagkakahawak ko at padabog na umalis ng court.
"Baby girl!! Hintayin mo ako!" Rinig kong habol ni Papa kay Mama. "At ikaw Dorothy Dawn Parker! Ayusin mo 'tong kalat mo!" Muling nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya kaya sumigaw ako pabalik.
"Huh?!!! Kalat mo rin naman 'to ah?!!" Sigaw ko.
"Ikaw ang nagyaya! Ikaw natalo! Ikaw mag-ligpit!" Muli nanamang bumagsak ang balikat ko sa isinigaw ni Papa kaya wala akong nagawa kung hindi tawagin si Vortex, ang alaga kong pusa.
"Okay lang 'yan Roth, naging maganda naman ang laban n'yo eh." Tipid akong ngumiti kay Nick, lalaking kaibigan ko. Na sa likod naman nito si Mccoy na kaibigan din namin.
"Palagi namang maganda laban n'yo eh." Sabi ni Mccoy habang na sa batok ang dalawang kamay.
"Salamat mga tol pero kasi natalo nanaman ako eh." Sabi ko at tinapik nanaman ako ni Nick.
"Balang araw mananalo ka rin sa tatay mo." Ngumisi ako sa kan'ya at pabirong pinalo s'ya sa tiyan. "Aray ko naman Roth!"
"Matagal pa kasi 'yung sinasabi mo, sa ngayon hindi pa ako ganoon kalakas." Sabi ko. "Sige, aayusin ko muna 'yung kalat ng magaling kong tatay." Dagdag ko at sila naman ang tinapik ang balikat. Agad ko namang inutusan si Vortex na tunawin ang mga yelo na agad naman nitong sinunod.
Vortex is a demon cat, kasing laki n'ya ang isang kuting pero ginagawa n'ya lang iyon kasi kapag nasa totoong size s'ya ay mas malaki pa s'ya sa isang kabayo. Itim ang balahibo nito at may dalawang buntot at sa dulo ng dalawang buntot nito ay may apoy na kulay asul, ang pinaka-mainit sa lahat. Kapag naman nasa natural size s'ya ay umaapoy din ang apat na paa n'ya at pati na rin ang dalawang tenga n'ya kaya mas maganda na nasa maliit s'yang size para hindi agaw atensyon.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...