Duello
"Ano na naman 'tong nabalitaan ko." Lumingon ako sa nagsalita at isang pitik sa noo ang ipinambungad sa'kin ni Sir Max.
"Aray ko ah." Nakangusong saad ko at hinimas-himas ang noong pinitik n'ya.
"Ikaw kagagaling mo lang sa sakit ng katawan tapos ngayon naghahanap ka na naman ng panibagong sakit ng katawan!" Umiwas ako ng tingin at mas lalong ngumuso.
"You can't blame me, iniinis n'ya ako eh." Bumuntong hininga s'ya at ipinukpok sa'kin ang hawak na libro.
"Just admit it, you're not good at controling yourself." Lumipat naman 'yung kamay ko sa ulo na nanggaling sa noo at iyon naman ang hinimas-himas.
"This is child abuse Sir! Stop hitting me!" Nakapikit na saad ko at ipinang-harang ang braso ko para sa paparating n'yang mga atake.
"This is not 'child abuse'! This is called counseling!" Sabi nito at muling ipinukpok sa'kin ang libro. "But seriously, you should stop causing trouble."
"Oh! Tingnan n'yo oh! May ibon!" Sabi ko at tinuro ang butterfly na lumilipad.
"That's a butterfly you idiot." Sabi n'ya at muli akong nakatanggap ng pukpok sa ulo.
Tumingala ako nang marinig kong nag-bell na at ngumiti kay Sir. "Sorry Sir but I got to go!" Sabi ko at nag-salute sa kan'ya bago tuluyang umalis.
Pagkatapos ng uwian na agad ang laban ko kasi gigil na gigil daw s'ya sa'kin and as much as possible agahan daw ang duel kaya eto, napapabuntong hinininga na lang ako dahil hindi s'ya mawala sa utak ko. Paano ko kaya iha-handle 'to? Hindi ko pa naman din nata-try na makipag-bakbakan ng walang gamitan ng command, buti na lang talaga enchanced strength lang ang meron s'ya. Madali lang din sana s'yang tapusin kung hanggang ngayon nagagamit ko pa command ko but until now hindi ko pa rin nagagamit. Napatingin na lang ako sa palad ko na ibinuka at sinara, wala pa ring nangyayari.
Natapos na lahat ng klase at papunta na ako sa dorm para sana magpalit nang may bumangga sa'kin at pinalibutan ako pagtapos. Kunot noong itinaas ko ang tingin ko at nakitang eto pala 'yung makakalaban ko mamaya, kasama pa n'ya ang mga kaibigan n'ya.
"Going somewhere?" Nakangising tanong ng isa.
"Don't tell me hindi ka na sisipot?" Tanong naman nu'ng lalaking makaka-duel ko na ngayon ay may bandage na ang ilong.
"Leave her alone guys, baka mas lalong hindi sumipot kasi natatakot." Sambit ng isa pa at nagtawanan silang lahat papaalis.
"Tch!" Tanging iyon na lang ang nasabi ko at dumeretso na sa waiting shed ng battle field dahil wala na akong balak magpalit pa ng damit, tinamad na ako.
I tried calming myself by playing with Vortex dahil kung ano-ano nang scenario ang pumapasok sa utak ko and I just realized something about this, I'm the weakest among the rest because I am nothing without my command. Ang yabang-yabang ko pa at ngayon na wala na akong command asaan na ang yabang ko? Tch, pathetic.
"Miss Parker? Pwede na pong lumabas." Balita sa'kin ng isang babae, ngumiti naman ako sa kan'ya at ibinaling ang tingin kay Vortex.
"Goodluck to me." Bulong ko rito bago tuluyang ibinaba at lumabas na papuntang battle field.
Napuno ng sigawan ang buong field, bahagya pa akong nasilawan dahil tirik na tirik ang araw at sa pagbaba ko ng tingin ay bumungad sa'kin ang nakangising mukha ng makakalaban ko. I still don't know his name though, oh well I'm not interested anyway.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...