Chapter 6

97 9 10
                                    

Don't problem Problem


Okay lang sana kung may matanggap akong duello sa pinaka-unang araw ko dito sa paaralan, nakaka-excite pa nga eh pero ang malaman na isang instructor pala ng academy ang nakalaban ko ay sobra na! Putek ba't ba hindi ko manlang naisip na instructor s'ya?! Well wala akong kilala na instructor at the age of 20!!

Oo nga pala, hindi ako nag-aaral.


"Seryoso ka?" Ngangang tanong ko na ikinatawa nya.

"Yes." Natatawang sagot nito.

"B-but you look young!" Sabat ko pa at tiningnan ko pa s'ya mula ulo hanggang paa.

"Marami nang nagsabi." Kibit balikat na sabi nito. Saglit naman akong napabaling sa healer na itinaas ang damit ko dahil may tama ako doon na hinayaan ko naman at muling binaling ang atensyon sa instructor ko pero naabutan ko s'yang umiwas ng tingin at pansin ko pa ang paglunok n'ya pero hindi ko iyon pinansin dahil nalilito talaga ako.

"Naguguluhan ako! Ano 'yon? Maaga kang nakapag-tapos kaya ka andito ngayon?" Tumango s'ya sa tanong ko at pansin ko na hindi s'ya komportable at ngayon ko lang napansin na may mga ilang yelo pa pala na nakadikit sa damit nya, mapapansin din na namumula ang braso nya at may ilang cuts din na panigurado gawa yelo ko. "Okay ka lang ba Sir? You look uncomfortable." Nakangiwing tanong ko.

"W-what? Of course I am." Napakunot pa ang noo ko nang mas lalo syang naging hindi komportable. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ng healer na gumagamot sa'kin.

"Paki-tanggal po ang coat." Tinanggal ko naman ang coat at binalingan ang instructor nang tumikhim sya.

"You know what Sir, pagamot ka na rin kaya?" Suhestiyon ko at tinuro ang mga natamo n'ya galing sa'kin, medyo napasinghap pa ako nang masagi ko ang sugat ko sa braso habang hinuhubad ang coat.

"No, I'm fine." Sabi nito. "Pumunta ka na lang sa training room kapag tapos ka na." Sabi nito nang hindi ako tinatapunan ng tingin at tuluyan ng umalis.

"Problema n'ya?" Tanong ko sa sarili ko.


Hindi ko na suot ang coat ko nang lumabas ako ng clinic. May bandage naman ang tyan, kaliwang braso, kanang hita at kaliwang binti ko habang nagamot naman na ang mga maliliit kong sugat gaya nalang ng sugat ko sa labi, sa pisngi at sa gilid ng noo. Habang naglalakad sa hallway ay tinitingnan ko ang bandage sa tyan ko at inalala ang sinabi ng healer. After 3 hours daw ay tuluyan nang gagaling ang mga sugat.


"Are you always like that?" Ibinaba ko ang damit ko at binalingan ang nagsalita. Bigla namang sumama ang araw ko nang makita ko nanaman ang pagmumukha n'ya. "You walk like a guy and you act like a guy?" Napasmid naman ako sa sinabi n'ya sa'kin. Tch! Anong akala n'ya sa'kin?! Matatakot uli sa kan'ya?!

"Why do you care?" Lalagpasan ko sana s'ya nang makita ko si Vortex sa balikat n'ya.

"Vortex!" Punong-puno ng galak na nilapitan ko si Vortex at kinuha s'ya mula sa lalaking kasama n'ya ngayon. "Saan ka ba nagpupunta at kanina pa kita hinahanap!" Tanong ko kay Vortex na para bang sasagot s'ya pero kumawala lang s'ya sa'kin at muling bumalik sa lalaki na ikinasimangot ko.

"He doesn't like you." Nakangising sabat n'ya at kahit na ganun ay wala paring buhay ang mga mata n'ya.

"Vortex baby what's wrong?" Malambing na saad ko pero hindi n'ya ako pinansin!! What's happening?! Masama ang tingin na ipinukol ko naman sa lalaki. "Ikaw! Anong ginawa mo sa kan'ya?!" Pamimintang ko.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon