Chapter 16

92 9 6
                                    

Nisekoi


Dumagundong ang malalim at maotoridad nitong boses sa buong palikuran at napahawak naman ako sa towel na nakapalibot sa katawan ko.

Putspa!! Anong ginagawa n'ya rito?!


"A-Anong ginagawa mo rito?!!" Sabi ko at mabilis na lumayo sa kan'ya at nagtago sa isang malaking tipak ng bato sa gitna ng pool.

"I should be the one asking that." Kalmado ngunit kunot ang noong sabi nito.

"H-Hindi mo ba nakita?! 'Yung sign sa labas!" Sabi ko nang nakapakit, I don't want to see anything kahit na nakatago ako 'no! "Although Japanese sign 'yon pero kulay red 'yon kaya common sense lang ang kailangan gamitin!"


Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang iilang malulutong na mura nito. "These girls." Girls? Bakit? Anong meron?


"You've been tricked, pinalitan nila 'yung sign para makapasok ka sa palikuran ng mga lalaki." Natigilan ako sa narinig.


Kaya ba may naghahagikgikan kanina? Oo nga, bakit nga ba hindi ako nagtaka? Kung may mga babae kanina pa bakit hindi sila pumasok dito? Napakagat nalang ako sa labi ko nang unti-unti nang lumalabo ang mata ko dahil sa luha, ginawa talaga nila 'to para lang pag-trip-an ako? But that's bellow the belt! Pa'no kung na-rape ako rito?! Anong magagawa nila?! Sorry?! Sorry lang?! Anong magagawa ng pesteng 'sorry' nila?! Sa tingin ba nila mawawala ang trauma ko dahil sa 'sorry' nila?!


"You should probably go." Dahil sa inis hindi ko mapigilang harapin s'ya kahit panay ang tulo ng luha ko.

"Go? Yeah right, that girls should be punished! I won't ever forgive them! Pa'no nalang kung na-rape ako?! Anong magagawa nila?!" Mas malalo akong napaiyak nang bigkasin ako ang mga salitang iyon. "Nakakainis sila! Nakakainis sila!!" Then all of a sudden a warm body embraced me.


It was a quite shock pero napangungunahan ako ng takot, kaba, at galit kaya mas lalo akong napaiyak habang mahigpit ang hawak sa towel na nakapalibot sa katawan ko.

So weird. Dapat nagwawala na ako ngayon kasi may lalaking nakayakap sa katawan kong towel lang ang pantakip. So weird.


"You should take responsibility." Namumulang saad ko nang kumalma na ako.

"Responsibility?" Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa hangin kung bakit nagsitaasan ang mga balahibo o dahil nanaman sa nanlalambing nitong boses.

"O-Oo! Na-Nakita mo na 'yung katawan ko k-kaya dapat lang na responsibilidad mo na 'yon!" Mas lalo akong namula sa sinabi ko. Omaygash! I don't make any sense! "B-Basta! Ang unfair! Dapat future husband ko lang ang makakakita nito eh!" Pikit matang saad ko.

"Responsibility? Sure. I can be that future husband of yours." Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at natulala nang magtama ang tingin naming dalawa.


Basa ang itim na itim na buhok nito, may mga butil pa ng tubig ang tumutulo galing doon na dumadausdos pababa sa leeg nito hanggang sa malalim nitong collar bone. Muling bumalik ang tingin ko sa mata nito at ang kaninang ngisi na suot-suot n'ya ay dahan-dahang nawala at napalitan ng emosyon na hindi ko matukoy.

Bumaba uli ang tingin ko sa adams apple nito na marahas na gumagalaw pati na rin ang pagtiim ng bagang nito na para bang may pinipigilan, bahagya akong napaatras at tinanong ang kanina ko pa gustong itanong.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon