How to handle bullies?
And yet again here I am, bedridden. Hindi agad ako nakatayo ng ilang araw dahil sa mga natamo ko, nakatanggap uli tuloy ako ng sermon galing sa mga kaibigan ko, lalo na kay Maximo. Haynako, kung alam n'yo lang kung ilang kotong ang natanggap ko sa kan'ya but the days went by at nandito uli ako sa infirmary pero this time para i-check kung pwede na ba akong pumasok.
"Ano Ate? Okay na s'ya?" Tanong ni Rowena at inilapit pa ang mukha kay Ateng chine-check ako.
"Yes po, pwede na po uli s'ya pumasok." Sabi nito at mabilis na um-exit, nao-awkward-an siguro kay Rowena. Well I feel her, sino ba namang hindi mao-awkward-an lalo na kung inilalapit sa'yo ang mukha?
"Ayan, pwede ka na raw pumasok." Napatingin ako kay Jean na naka-sandal sa hamba ng pintuan, nang magsalita ito. "Sana naman this time umiwas ka na sa gulo 'no?"
"Alam mo? Kailangan na ata kitang bantayan, malingat lang ako sandali kasali ka na sa gulo." Sabi ni Rowena at pumameywang sa harap ko.
"You can't blame me, blame the guy who provoked me." Sabi ko at ngumisi, mabilis lang nawala nang muli akong makatanggap ng kotong sa kan'ya.
"Muka ngang kailangan s'yang bantayan." Natatawang saad ni Jean at umayos ng tayo. "Tara na nga lang, may kan'ya-kan'ya pa tayong klase." Sabi nito at nauna nang lumabas ng infirmary.
"Kung hindi ka talaga makakaiwas sa gulo, then might as well ipabantay nalang kita kay Noah." I scoffed at that.
"As if namang mauutusan mo 'yung lalaking 'yon? Nako, 'yon pa?" Sabi ko at kinuha ang bag sa gilid ng kama at lumabas na.
"Why not? When it comes to you he's so interested." Napatigil ako sa paglalakad at nilingon s'ya.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Ewan ko." Sabi nito at may mapaglarong ngiti sa labi nito.
"Hoy! Hindi ko maintindihan! Explain mo sa'kin!" Bago ko pa s'ya mahabol ay tumakbo na ito paalis.
"How about you find out first how dense you are?" Lumingon naman ako kay Jean at kunot na kunot ang noo na tiningnan s'ya pero tanging tapik lamang sa balikat ang natanggap ko at tuluyan na itong umalis.
"What? I don't understand!" Kamot ulo tuloy akong naglakad papunta sa klase.
Chill lang akong naglalakad papunta sa lockers area dahil may kukunin ako pero sa pagbukas ko ng locker ko ay may isang piraso ng papel na nahulog. Nanliit ang mga mata ko nang nabasa ko kung ano ang nakasulat.
"Meet me at the back of the abandoned building." Basa ko rito and I think it's very lame and boring kasi mahahalata mo agad na isa itong scam.
Just like from the movies, they'll probably try to harm me so no thanks. Itinapon ko ang papel at kinuha na ang dapat kunin at dumeretso na sa klase pagtapos. It's very obvious, what a joke! But guess who's more like a joke? Syempre ako! Kasi nakatayo na ako sa harap ng abandunadong building, napangisi na lamang ako at nagsimula nang maglakad papalapit sa abandunadong building. My curiousity is killing me, can't blame me.
The whole building is made of wood at sa kada hakbang ko ay feeling ko gigiba ng wala sa oras ang buong building. Asan na kaya sila? Should I go deeper into the house? Magsasalita na sana ako para hanapin sila nang may matigas na bagay bigla ang humampas sa'kin and I lost consciousness because of that.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...