Chapter 12

95 9 8
                                    

Told ya


Hindi naman sa hindi ako marunong sa gawaing bahay, marunong ako at sadyang ayoko lang kumilos. Maraming times na tumatakas ako sa gawaing bahay lalo na ang paghuhugas ng pinggan. Merong mga beses na nagpapanggap akong tulog o pagod dahil sa laban namin ni Papa pero sadyang marami ring beses na hindi na ako nakakatakas pa sa utos with sermon ni Mama. Yung naghuhugas ka habang nakikinig sa rap ng nanay mo, ang saya 'di ba?

At ngayong binigay ko ang best ko para lang hindi makapag-hugas, yung nakipag-laban ako habang pinipilit na huwag bitawan ang kamay ni Elliot, yung sumayaw pa kami para lang hindi bitawan ang kamay ng isa't isa, yung pinaghirapan namin nauwi lang sa wala. Ang galing 'di ba?

Nakabasungot tuloy ako habang naghuhugas kasama si Elliot, mas lalo pa akong bumasungot nang makita ang iba na nagkakasiyahan habang kami dito naghuhugas ng limpak-limpak na plato. At oo kami lang ang bumalik na putol ang paper bracelet, ang saya-saya 'di ba?


"Kasalanan mo 'to." Sabi ko sa kan'ya at nagdadabog pa habang naghuhugas, mas lalo lang akong nainis nang tumalsik sa mukha ko ang bula. "Ayoko na!" Parang naiiyak na saad ko at binitawan ang sponge na puno ng bula.

"Bumitaw ka remember?" Nakabasungot tuloy ako habang naghuhugas. Ang saya-saya maghugas wooh!


Feeling ko ilang oras na kaming naghuhugas dahil parang hindi nauubos ang hinuhugasan namin, paano ba naman kasi ngayon lang kumain ang mga instructors at professors kaya muling nadagdagan ang hugasin namin. Nakabasungot tuloy ako the whole day.


"Ano nga palang command mo?" Tanong ko sa kan'ya nang hindi s'ya nililingon. Buti nalang naalala kong itanong sa kan'ya ang tungkol doon, kasi kung babalikan ang palitan namin ng atake doon ay iba-iba kaya nakakapagtaka.

"Imitation." Simpleng sagot n'ya dahilan para lingunin ko s'ya habang nakakunot ang noo ko. "Hawakan ko lang ang isang bagay ay nagagaya ko na." Dagdag pa nito, tumango-tango naman ako sa eksplenasyon n'ya at hindi na nagsalita pa.


Kaya pala paiba-iba ang naging atake n'ya kanina, merong yelo, merong ugat at meron ring bato pero kung may mapapansin man akong pagkakapareho nila iyon ay ang kulay nitong dark violet. Wala naman pala s'yang multiple command, hindi ko rin naman siguro papaniwalaan iyon dahil parang imposible, inimbento ko lang talaga ang salitang iyon.

Pagkatapos naming maghugas na para bang walang katapusan ay pinaligo na kami ng mga propesor. Medyo may kalayuan nga lang dahil nasa loob kami ng gubat at nasa may bungad ng daan naman ang paliguan.


"Kumusta ang paghuhugas." Pangaasar ni Sean at inakbayan pa talaga ako ng loko.

"Masaya ba?" Gatong naman ni Vince na tumabi sa kabilang gilid ko.

"Tigilan n'yo ako ah." May pagbabantang sabi ko at pinilipit pa ang braso ni Sean bago ito bitawan.


Narinig ko pa ang munting iyak ni Sean at tawa ni Vince pero hindi ko iyon pinansin at pumunta na sa tent namin ni Rowena at naabutan itong nakatulala nanaman at may kinakain. Nakahanda na din ang gamit nito panligo at mukang inaantay nalang ako.


"Tara na." Sabi ko at sinipa pa s'ya sa paa para lang gisingin s'ya sa malalim n'yang iniisip.

"Huh? Kuhanin mo muna yung mga gamit mo." Medyo natawa ako nang tama nga ang hinala kong malalim ang iniisip n'ya, ni hindi manlang n'ya narinig nang maayos ang sinabi ko.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon