Chapter 29

66 3 4
                                    

The Taste of an Adventure


"S-Sasama ako!" Pikit ang mga mata na sambit ko.

"I don't need someone to tell me to give up." Malamig na tugon nito sa'kin dahilan para mapakagat ako sa sariling labi.

"T-Then what are you gonna do? Paano mo mahahanap tatay mo? You're blind remember?" And with that she fell silent. "I know I was being a jerk kanina but you need someone right now."

"Ikaw lang?" Napangiti naman ako nang i-consider na nito ang offer ko.

"I can bring Riguel if you want to." Napalitan ang ngiti ng ngisi nang banggitin ko ang pangalan ni Riguel.

"I don't really like that guy, to be honest." Nakayukong saad nito at para bang nahihiya pa sa sinasabi nito. "I-I know I sound terrible! But really, he's kind of annoying." Nakangiwing dagdag pa nito.

"Oof, why is that?" I feel bad for this friend, hindi pa nga umaamin rejected na agad.

"Nangingielam kasi eh! Sabi nang 'I can manage' but he still kept on insisting!" My lips turned into 'o' dahil ang cute n'ya magalit, parang siopao.

"Well I can protect you alone naman." Kibit balikat na sambit ko. "So if you want to, tayong dalawa na lang?" Nakangiting offer ko pero siguro rinig sa tono ng pagkakasabi ko na nakangiti ako kaya napangiti na rin si Lanticse.

"Sure-" Hindi pa natatapos ang sinasabi nito nang may magsalita.

"Anong binabalak n'yo?" Pareho kaming napatalon sa gulat ni Lanticse at automatic na nailagay ko sa likod ko si Lanticse mula sa taong bigla na lang dumating.

"Akala ko naman kung sino! Ginulat mo kami!" Sabi ko at umamba ng suntok pero agad n'ya itong nasalo at pinilipit papunta sa likod ko kaya napasigaw tuloy ako sa sakit kasi hindi ko inaasahan na seseryosohin n'ya atake ko. "Hoy! Masakit!!!" Tinulak naman ako nito at buti na lang nasalo ako ni Lanticse, grabe may galit ata sa'kin 'to! Wait, hindi kaya?

"Saan kayo pupunta?" Kunot noong tanong nito na sinagot ko lang ng simangot dahil sa ginawa n'ya sa braso ko, eto pa naman 'yung nagkamali ng bagsak.

"Wala ka na ro'n." Sagot ko sabay irap. "'Di ka kasama, bleee~!" Dagdag ko pa at binelatan s'ya ng parang bata.

"W-We're gonna find my dad." Napalingon ako sa gawi ni Lanticse nang sagutin n'ya ito.

"Hui, ba't mo sinagot? Akala ko ba secret lang natin 'to?" Bulong ko sa kan'ya.

"Sasama rin ako." Muli naman akong napalingon sa gawi ni Riguel nang sabihin n'ya ito.

"No, hindi pwede, ayaw namin." Sabi ko pero naramdaman ko ang paghawak ni Lanticse sa palapulsuhan ko.

"You can't protect Lanticse alone, lalo na sa sitwasyon na meron ka." Natigilan ako sa sinabi ni Riguel. Does he mean he knows?

"A-Alam mo?" Napaatras ako at namimilog ang mga mata na tinanong s'ya.

"It's only a hunch and it's not clear, ang alam ko lang may problema ka." Napayuko naman ako sa sinabi nito at napakagat ng labi. "Kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto n'yo."

"I-I guess we don't have any choice." Iwas tinging sabi ko at kahit si Lanticse ay wala na ring sinabi.

"May pera ka?" Out of the blue na tanong ko.

"Huh?" Halos magdikit naman ang kilay ni Riguel dahil sa tanong ko at kahit si Lanticse ay naguluhan din.

"I mean we're gonna find her dad, obviously magta-travel tayo so we need money." Explain ko.

The Warden DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon