The Beginning of the End
Sa dulo ng kagubatan ng Grinderwall ay may kweba na kapag narating mo ang dulo tiyak ay yayaman ka. Maraming nagsasabi na sa dulo nito ay bubungad sa iyo ang naglalakihang tipak ng mga kristal at iba't ibang uri ng mga naggagandahang bato na magpapayaman sayo kapag naibenta mo ang mga ito pero ni isa sa kanila ay walang naglakas loob na pasukin ang kweba, sa kadahilanang ang gubat na una mong madadaanan bago marating ang dulo ay pinamumugaran ng mga demonyo. Ang hindi nila alam hindi lang magagandang kristal ang bubungad sa kanila roon, kung hindi isang napakagandang dalagita.
Nakahiga ito sa iba't ibang uri ng mga bulaklak na agad mong mapapansin dahil sa ito ay nasisinagan ng buwan na gawa ng butas sa loob ng kweba, maraming nagmimistulang paro-paro ang pumapalibot sa kan'ya at nilalagyan ng bulaklak ang kan'yang mahabang itim na buhok at kung papansinin mo ang angkin nitong kagandahan ay mahaba at makapal ang kan'yang pilik mata, matangos ang ilong at may natural na pulang labi, at kahit sa malayo ay pansin na pansin mo ang kaputian nito na mas lalong nadepina ang itim na itim nitong buhok.
Unti-unting gumalaw ang babae dahilan para halos lahat ng nagmimistulang paro-paro na lumilipad sa kan'yang paligid ay magsiliparan paalis at parang hindi alam ang gagawin. Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga nang may maliliit na boses s'yang naririnig sa kan'yang paligid kaya naman dahan-dahan n'yang imunulat ang kan'yang mata at bumungad sa langit ang kulay pula nitong mata. Tinignan n'ya ang sanhi ng mga maliliit at matitinis na boses at nakita n'ya na isang itong maliit na tao na may pakpak na katulad ng sa mga paro-paro.
Umupo ito at dahan-dahang tumayo, ang mga bulaklak naman sa kan'yang buhok ay dumausdos pababa at nalaglag sa lupa. Dahan-dahan itong umalis sa kan'yang hinihigaan at ang kan'yang puting damit ay sumadsad sa lupa dahil sa kahabaan. Nilibot ng tingin n'ya ang buong paligid at wala s'yang ibang makita kung hindi kristal, bulaklak, mga maliliit na tao na may pakpak ng isang paro-paro, at butas sa taas na tanging nagbibigay ng ilaw sa buong kweba na galing sa sinag ng buwan.
Sa paglibot ng tingin n'ya sa paligid ay dumapo ang tingin n'ya sa isang lalaking nakatayo mula pa at pinapanood lamang s'ya. Matangkad ito, maganda ang pangangatawan, kulay itim ang buhok tulad ng kan'ya at kulay itim din ang kan'yang mga mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may mapulang labi. Muling umakyat ang tingin ng babae sa mga mata nito at napansin n'ya ang galak na nararamdaman nito para sa kan'ya.
"You're finally awake."
***
A/N: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime, imagine ka iyo.
Maraming salamat sa suporta ng mga kaibigan ko!! Huhu! Kung hindi talaga dahil sa inyo I've long given up on this!! Kaya thanks ng marami huhu!!
I hope y'all enjoy reading this!! God bless!!
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...