I have a joke about myself but I'm afraid it won't be enough
Bagsak ang balikat na bumalik ako sa camp site at napansin na ako palang pala ang nadirito. Agad akong napansin ni Miss Bella na nagaantay pala sa amin na bumalik. Ngumiti ito na sinuklian ko lang ng matipid na ngiti.
"You did this?" Nakangiting tanong nito at tumingala sa mga nyebeng bumabagsak at muling ibinalik sa'kin ang tingin. Tumango lamang ako bilang sagot dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti n'ya. "It's pretty." Muli akong ngumiti ng tipid at tinitigan ang lapag na para bang ito ang pinaka-interesanteng bagay na natingnan ko.
"So did you win?" Tanong n'ya ulit dahilan para matigilan ako. Ba't s'ya nagtatanong kung napaka-imposible na manalo ako? Bumuntong hininga ako at umiling kahit nakayuko. "It's okay dear, you did great." Tinapik-tapik n'ya ako sa balikat at ngumiti uli ako ng matipid at tuluyan nang umalis.
Nang makapasok ako sa loob ng tent namin ay pabagsak akong humiga sa higaan, feeling so tired all of a sudden. Ilang minuto pa ay nagumpisa nang umingay ang paligid at paniguradong andito na ang iba hanggang sa may nagbukas ng tent at bumungad sa'kin ang masayang mukha ni Rowena.
"It's snowing!!" Excited na sabi nito kaya naman umupo ako at ngumiti sa kan'ya.
"Yeah, I did that."
"Really? It's so pretty! Paulanin mo lang ah!" Pareho kaming natawa sa sinabi n'ya at muking naligaw sa sariling iniisip. As if namang titigil agad 'yan? Dahil siguro sa disappointment na nararamdaman ko ilang araw din sigurong uulan ng nyebe. "Hanggang sa school ba magsno-snow pa rin?" Tumango naman ako bilng sagot.
"The snow will follow me, it's mine anyway." Sagot ko rito kaya panigurado mabubulabog ko ang buong academy.
"Hey!" Pareho kaming napalingon ni Rowena kay Erina na bigla nalang sumulpot. "Are you doing this? Can you make it stop? It's irritating my skin! At hindi ka ba nalalamigan? It's freaking cold out here and here you are, wearing sando!" Maarteng sambit nito.
"Sorry can't and you have to deal with this hanggang sa makabalik tayo sa school." Hindi ko na kailangan sumagot pa dahil si Rowena na mismo ang sumagot dito.
"Ugh!! Useless!" Padabog itong bumalik sa tent nila dahilan para matawa si Rowena rito.
"'Ugh! Useless!'" Panggagaya nito kay Erina kaya natawa ako. "Pero seryoso? Hanggang sa school magsno-snow?" Tumango naman ako bilang sagot.
"Mabubulabog ang buong school n'yan." Sabi nito at tumawa. Actually I don't know how to stop it, since first ko ngang gamitin ang technique na 'to hindi ko alam kung paano s'ya patitigilin. "Tara! Mukang pinapapunta na tayo sa gitna." Tumayo na ako at lumabas ng tent at sumunod kay Rowena.
"So kumusta ang sparring?" Nakangising tanong sa'ming lahat ni Sir Raymundo. "Mukang lahat ng representative ay natalo ah? Kumusta Miss Parker?" Bumaling naman sa'kin ito na ikinairap ko lang pero tinawanan n'ya lang ito.
"Anong nangyari sa yabang mo?" Mapang-asar na saad pa nito. "Pero infairness, masasabi ko ngang malakas ka nga." Tumatango-tangong dagdag pa nito.
"This may sound sad but the camping has to end. So let us all clap for ourselves, for giving our best and for having fun despite the unfortunate events." Pumalakpak naman ang lahat at sumigaw-sigaw pa ang mga lalaki. "Magligpit na tayong lahat." Nagsi-alisan naman ang lahat at nagpunta sa kaniya-kaniyang tent para magligpit at gano'n din kami.
"Alam mo ba?" Napalingon ako kay Rowena na biglang nagsalita habang nililigpit namin ang gamit namin sa loob ng tent. "Kaming lahat ay nanood sa laban ninyo ni Noah." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"Simula kasi nu'ng umulan ng snow ay alam na namin na galing sa'yo 'yon, hindi na sana namin papansinin 'yon dahil may kaniya-kaniya tayong laban pero simula nu'ng umuuga na ang lupa ay pumunta na kami sa pinanggalingan no'n kasi akala namin may kung anong malakas na demonyong nagwawala pero it turns out na kayo lang pala 'yon." Sabi nito. "Malakas ka Roth, sadyang mas malakas lang talaga sa'yo si Noah. So cheer up! 'Wag mong masyadong dibdibin, may likod ka pa." Ngumiti ako sa kan'ya ng tipid at sumagot.
"Kung hindi ko magagawang matalo si Elliot, imposible para sa'kin na makuha ang upuan n'ya." Sabi ko.
"Nakuha mo naman na ang puso n'ya." Sabi nito at tumawa na sinamaan ko lang ng tingin. "Pero kidding aside, ano bang mapapala mo kapag nasa first seat ka na?"
"Doon ko lang kasi masasabi na malakas na ako. Everyone has its reason why they want to be stronger and as for me, I want to wake up the world. Gusto kong patunayan sa lahat na you can be friends with demons because just like you, they have broken souls to deal with." Sabi ko. "Bonus na 'yung mapoprotektahan ko ang pamilya ko." Dagdag ko pa at ngumiti sa kan'ya.
"Halika nga rito! I want to hug you!! Your heart is so pure!" Sabi nito at s'ya na ang lumapit para yakapin ako. "Kaya siguro gusto kitang kaibiganin the first time I met you!"
"Tigilan mo nga ako, ang drama mo." Natatawa kong sabi at humiwalay naman s'ya.
"Gusto mo ba tulungan kita? I'll train you!" Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa kan'ya, seryoso ba s'ya? Gagawin n'ya talaga 'yon? Para sa'kin?
"Are you sure about that?" Kinakabahang tanong ko. Gusto ko. Gustong-gusto ko ang offer n'ya at natatakot ako na baka bawiin n'ya ang in-offer n'ya.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Taas kilay na tanong nito.
"Gusto ko!" Sagot ko kaagad at hindi nanaman napigilan ang excitement na nararamdaman ko.
"You should meet my brother, medyo same kayo ng command pero for the mean time ako muna ang magte-train sa'yo." Tumango-tango ako sa sinabi n'ya at nakinig pa sa iba pa n'yang sinabi.
***
"Maliligo ka ba?" Tanong ko sa kan'ya at napatingin sa langit na kulay kahel na, masyadong napatagal ang pagkukuwentuhan namin. Napatigil sa pagaayos ng gamit si Rowena at napatingin sa'kin.
"Mamaya nalang siguro." Sagot nito.
"Sige, mauuna na ako. Madaling araw ang alis natin 'di ba? Maliligo na ako para hindi na ako maliligo bukas." Sabi ko.
"Kadiri ka!" Natawa ako nang binato n'ya ako ng towel.
"Anong kadiri do'n? It's called being smart, kasi panigurado late ang gising ko." Sabi ko.
"Ewan ko sa'yo Dorothy Parker." Sabi nito at inirapan pa ako.
"Sumunod ka nalang ah?" Sabi ko at tumango naman ito bilang sagot at umalis naman ako doon dala-dala ang mga gamit na kailangan.
Bukas na raw ng umaga ang alis namin at katulad nga ng sabi ko maliligo na ako ngayon para bukas ng madaling araw hindi na ako magmamadali pa para mag-ayos at hindi iyon kadiri, it's called being smart.
Nang matapos linisin ang sariling katawan ay bumabad na ako sa tubig at sumandal sa bato at bahagyang napatingala sa langit habang dinadamdam ang init ng tubig sa aking katawan. Bumuntong hininga na lamang ako nang maalala ang sparring namin ni Elliot, gano'n na ba talaga ako kahina? Muli akong bumuntong hininga pero bahagyang napatigil nang marinig ko ang hagikgik ng mga babae sa labas ng palikuran. Anong meron? Gusto ko sanang tumayo at umahon para tingnan kung anong meron pero maya-maya pa ay nawala na ito.
Dumausdos ako pababa sa tubig at hinayaang malunod ang sarili sa tubig at sa mga iniisip. Bahagya akong nagpalangoy-langoy nang nakapikit nang bumangga ako sa isang malaking bagay. Umahon ako para tingnan kung bumangga ba ako sa bato pero iba ang bumungad sa'kin.
"What are you doing here?"
To be Continued
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...