The Harassed Goddess of Justice
Nakasimangot akong lumabas ng bahay at hindi mapigilang mapabuntong hininga. Mabuti naman at pinaalis na ako ng tuluyan ng nanay ko, nakailang balik pa kasi ako sa loob ng kwarto para lang palitan ang damit ko at paulit-ulit n'yang sinasabi sa'kin na dapat daw presentable ako at baka raw hindi ako matanggap, tch! Ba't nila ako hindi tatanggapin? Eh mismong school na nga ang nag-imbita sa'kin.
"Oh Roth! Balita ko nakatanggap ka ng letter sa Spleenwort Academy ah!" Napatingin ako kay Nick nang batiin ako nito.
"Oo, nakakatamad ngang mag-enroll eh." Bored kong sabi habang pinapanood ng matiim ang kinikilos nito.
"Gano'n ba? Galingan mo ah!" Sabi nito. "Para sa'ming nangangarap na makapag-aral doon." Malungkot na dagdag pa nito.
"'Wag kang mag-alala pards." Pabirong sabi ko at tinapik pa ito sa balikat. "Gagawa ako ng mundo kung saan lahat tayo pantay-pantay." Nakangising saad ko.
"Taas ng pangarap na 'yon ah!" Bigla namang sumulpot sa kung saan si Mccoy at inakbayan ako.
"'Wag kang mag-alala, hindi ka kasali sa mundong 'yon." Sabi ko na ikinasimangot n'ya.
"Ang damot mo naman!" Nakangusong sambit n'ya.
"Mataas pangarap ko 'di ba?" Taas kilay kong sabi at inangilan pa s'ya kaya wala sa oras na napabitaw s'ya sa'kin.
"Sabi ko nga, babawiin ko na 'yung sinabi ko." Nakangiwing saad ni Mccoy dahilan para mapangisi ako at matawa si Nick.
"Umalis ka na nga dito at baka ma-late ka pa!" Sabi nito at tinulak-tulak pa ako palayo na ikinatawa ko lang.
"Sige!" Nakangiting pagpapaalam ko sa kan'ya at sumakay na kay Vortex papunta sa school dahil may kalayuan ito sa amin.
Sa pagtalikod ko sa kanila ay mabilis na nawala ang ngiti ko. Naging unfair ang mundo sa aming mga mahihirap, mga walang pang-aral dahil sa walang pera, mga walang kapangyarihan dahil sa kahirapan at mga walang boses dahil sa kasakiman ng mga mayayaman. Tanging mga mayayaman lang kasi ang may kakayahan na makapag-aral at hindi namin kaya 'yon.
Kahit school para sa mga bata ay wala kaya ang ginagawa nalang ng karamihan ay tinuturuan nila ang sariling mga anak na matutong magbasa at magsulat, ang iba naman ay wala talaga dahil kahit ang mga magulang ay walang napag-aralan. Pinagpala lang ako dahil nakapagtapos ang mga magulang ko at isang Wardein pa ang tatay ko.
Hindi ko mapigilang mapaismid nang makita ko na sa malapitan ang malaking school na pinapaligiran ng mga mamahaling kotse at mga spoiled brat na estudyante na nagbabalak na mag-enroll sa eskuwelahan. Hindi ko naman pinansin ang mga tingin nila at dumeretso sa guard para ibigay ang envelope dito.
"Miss, hindi pwedeng ipasok ang alaga mo." Tumango ako sa sinabi nito kahit kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagka-disgusto kay Vortex na kasalukuyang nasa mala-kuting na itsura. Napangisi naman ako at magbalak na asarin s'ya.
"Sige kuya." Sabi ko. "Vortex dito ka lang ah? Kung may gagalaw sa'yo patayin mo agad." Pagpaparinig ko sa dalawang guard at tumango naman si Vortex bilang sagot at lumipat sa desk ng mga guard galing sa balikat ko. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa dalawang guard na ngayon ay punong-puno ng takot ang mga mata kaya tuluyan na akong natawa.
"Charot lang 'yun mga kuya!" Natatawang saad ko at pinalo-palo pa ang isa sa balikat. "Natakot naman kayo masyado!"
"A-ano? A-a-anong takot?! Pumasok ka na nga lang sa loob!" Muli akong natawa sa sinabi ng pinalo-palo ko at tumango-tango nalang sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...