You sure you're lucky? Try again!
Nakangisi ako habang nakatingin sa kalaban kong si Kyle at naririnig sa buong battle field ang hiyawan ng mga tao and obviously lahat sila ay pabor kay Kyle.
'Woohh!! Go Kyle!!'
'Beat that girl, Kyle!'
'Paalisin mo 'yang babaeng 'yan sa paaralan na 'to Kyle!'
'Galingan mo Kyle!! Kailangan mong ipamukha sa kan'ya na 'wag lang puro yabang!'
Nasa isang malaking entablado kami at nasa gitna ang referee, ine-explain ang rules and regulations pero walang nakikinig sa kan'ya at patuloy lang kami sa palitan ng ngisi ni Kyle. Tingnan natin kung makakangisi pa s'ya sa dulo. Ngayon na ang araw ng laban ko at sigurado akong mananalo ako.
Pagkababang-pagkababa ng kamay ng referee ay mabilis na lumamig ang paligid at kalahati ng stage ay naging yelo habang ang kalahati naman ay napuno ng gel-like command n'ya. Una s'yang umatake pero agad akong nakaiwas dahilan para makapagpalit kami ng pwesto. Ang inaapakan kong gel nya ay unti-unting naging yelo dahilan para mawala ang ngisi nito at mabilis muli akong inatake. Ang espada n'yang gawa sa gel ay naharang ng isang malaking tipak ng yelo at mabilis naman akong kumilos para makapunta sa gilid nya at patamaan s'ya ng maraming ice spikes, ang iba ay naharang n'ya gamit ang gel n'ya at ang iba naman ay dumaplis sa braso at leeg n'ya.
Muli n'ya akong inatake at muli ko ring iniharang ang espada ko at hindi ko inaasahan na tatagos ang espada nito sa espada ko, sa kadahilanang gawa ito sa gel at kaya nitong gawing liquid to solid. Hindi ko s'ya inaasahan pero agad ko itong na-block gamit ang kanang kamay ko na may yelo pero hindi nakaligtas ang pisngi ko sa talsik ng gel-acid-like command nya dahil sa paglapat ng kulay green na likido na nanggagaling sa kan'ya ay agad na humapdi ang pisngi ko. Agad kong pinakawalan ang yelong nagawa ko pansalag sa gel n'ya papunta sa kan'ya dahilan para tumalon ito patalikod at naiwasan ang tira ko.
Sa pagtalon nito patalikod ay agad ko syang sinugod, mabilis at walang ingay ang hakbang pero mabibigat ang bawat tira at bawat hampas sa kan'ya. Nang makakita ako ng opening ay agad ko s'yang sinipa sa tagiliran dahilan para tumalsik s'ya sa kabilang dako pero bago pa s'ya mahulog sa stage ay nasalo na s'ya ng yelo.
"C'mon Kyle, Get up! Beat me!" Taas noong sambit ko at mas nilakihan pa ang ngisi nang makitang nahihirapan s'yang tumayo. Minura n'ya lang ako dahilan para matawa ako sa naging response nito at kinuha n'ya iyong tyansa para atakihin ako, sa kasamaang palad ay mabilis ko itong naiwasan.
Palitan ng atake at hindi parin nawawala ang ngisi ko, halatang natutuwa sa laban pero mukang hindi na nasisiyahan ang kalaban ko dahil kung ikukumpara mo kaming dalawa, mahahalata mong s'ya ang mas dehado. Naging ganoon ang eksena, minsanang matatamaan n'ya ako pero hindi ganoon kalalim ang mga sugat na natatamo ko habang ang crowd naman ay unti-unting humina ang boses nang mapansing dehado na ang pamato nila.
'Kaya pa ba ni Kyle? Tingnan mo oh, bugbog sarado na s'ya.'
'Kaya 'yan! Hindi ba kayo nagtitiwala sa kan'ya?'
'Buksan mo ang mga mata mo girl! This is torture!'
'I totally agree with you, hindi pa ba kikilos ang referee dito? Nakakaawa ang itsura ni Kyle oh.'
'This is cheating! How can she beat Kyle?! Eh member 'yan ng SSG?!'
Mas lalong lumawak ang ngisi ko nang makita kong hirap na hirap na talagang tumayo ang kalaban ko. Sa totoo lang noong ilang beses na s'yang mahulog sa entablado ay palagi ko s'yang sinasagip, halatang ayaw ko pang matapos ang laban. Isa iyon sa rules, kapag ang isa sa kanila ay nahulog sa stage ay automatic talo na ang taong 'yon. Titigil lang ang laban na ito kapag may isang nag-give up o kapag may natalo na.
BINABASA MO ANG
The Warden Doll
FantasyFor centuries, demons roamed around the earth and humans could not kill them for the strength of a demon alone can overpower a group of humans. What could be their origin? Where did they come from? According to the elders, the one who created thes...