Shot
Sigawan at kaniya-kanyang cheer mula sa mga estudyante sa magkabilang departamento ang umalingawngaw sa loob ng Gymnatium nila, sa huling minuto ng laban kontra kupunan ng Accountancy at Business Administration sa basketball.
Fighting for championship na kasi iyon at napakahigpit ng laban sapagkat nakasalalay dun kung sino ang magiging overall champion sa Intramurals nila sa taong iyon.
“Kate!”
Naibaba niya ang camera nung marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ng Editor in Chief ng school Collegian nila na si Shalom. Nasa tabi nito ang Adviser nila sa nasabing Club na si Sir Jeff.
Lumapit siya sa mga ito.
“Chief.”
Hindi siya makabati sa Adviser dahil tutok at nakikipagcheer din ito sa mga manlalaro.
“Kanina pa kita hinahanap.”
“Bakit? Anong meron?” nagtataka niyang tanong dahil sa palipat-lipat na atensyon nito sa kaniya at sa naglalaro.
“May kuha ka ba kay Clavius?”
Si Clavius ang Captain ng basketball team ng Business Administation Department.
Tumango siya. “Oo naman.”
“Ramihan mo ang kuha ah. Sabi kasi ni Sir kanina na isa siya sa ifefeature natin sa Collegian next release kaya kelangan marami tayong kuha sa kaniya. Siya na muna ang iprioritize mo ngayon total may kuha ka naman kanina sa iba. Am I right?”
Tumango siya.
“Sige, naiintindihan ko.”
“Great.” Tinapik siya nito sa balikat.
Ibinaling niyang muli ang atensyon sa laro pero sa pagkakataong iyon, ay ipinukos ang camera sa iisang tao-kay Clavius. Sunod sunod na shots ang kinuha niya nung makitang hawak ng lalaki ang bola at sumusulong para makatira. Nakasunod ang camera niya sa bawat paggalaw nito bitbit ang bola papuntang ring.
Umiba siya ng pwesto para makuha ang huling tirang magpapanalo sa team nito ngunit isang katawan ang humarang dun dahilan para hindi niya nakuha ang pinaka importanteng shot.
“Shit.”
The crowds gone wild nung pumasok ang bola sa ring ilang segundo bago umalingawngaw ang buzzer. They won.
Inis na tiningnan niya ang kuha kanina.
“Kainis. Ang epal naman.”
Di niya napigilang sabihin matapos makitang natakpan talaga si Clavius dahil sa pagtalon ng isang player ng Accountancy. Tanging ang braso lang nito ang kita doon at ang bola.
“Kate kunan mo sila dali.”
Napabuga na lang siya ng hangin saka sinunod ang utos ng Adviser nila. Nasa gitna na kasi ang mga players para sa picture taking. May ilang estudyanteng nandoon at may hawak na cellphone at kinukunan na ang champion kaya pumwesto na siya sa gitna para makuha ang tamang shot. Hindi siya nakarinig ng pag-angal sa mga estudyante lalo na at kilala naman ang Club nila.
Sumenyas siya ng isa pang shot sa mga ito dahil nahuli ang coach. Nang okay na ay nagthumbs up lang siya.
“Next picture sama na kayo Accountancy.” Sigaw ni Sir Jeff nila.
Sinuyod niya ng tingin ang players at hinanap ang epal na sumira ng shot niya kanina. Nakita niya itong nakikipagtawanan sa isang tourism student di kalayuan. Mukhang hindi ata nito narinig ang tawag. Napairap tuloy siya sa hangin.
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...