I'm backkk!
—
Maaga akong nagising at nagpaluto ng hangover soup sa katulong. Plano kong dalhin iyon kay Cayote. Hindi naman na nagtanong si manang kung para kanino ko iyon dadalhin pero may hinanda akong sagot para doon.Nagpahatid akong school pero nagtago lang ako sa gate at ng makitang nakaalis na ang driver ay lumabas muli ako at nagpara ng tricycle para magpahatid sa apartment ni Cayote.
Nakakailang katok na ako pero walang nagbubukas. Siguro lasing na lasing iyon kagabi. Iniwan ko na lang sa tapat ng pintuan niya ang hangover soup. I texted him that I left something infront of his door.
Kalalabas ko lang ng elevator nang magring ang phone ko. I stop when I saw it was him who's calling.
“Morning. Gising ka na?”
I heard a muffled sound from him.
“You better call me every morning. I like hearing your voice when I wake up.”
“Too much cheesiness, Cayote.”
Pumailanlang ang paos nitong tawa sa tenga ko. Naririnig ko ang maliliit na paggalaw nito.
“Nakababa ka na ba?”
“Oo. Nakuha mo na ba ang iniwan ko?”
“Yeah, I just got it. Hindi ka pa naman nakakaalis diba? Can you come up again? Please?”
My feet automatically turn.
“Fine.” pumihit ako pabalik ng elevator at pinindot ang floor.“Sige, antayin kita dito. Alam mo naman yung pin diba?”
“Pagbuksan mo na lang ako.”
As much as possible, ayokong gamitin yung pin niya. Kahit alam ko pa iyon ayoko parin. Baka makasanayan ko.
“Tinatamad ako.”
I made face.
“Sige, aalis na lang ako.”“Teka!” napangisi ako ng marinig ang angal nito. “Alam mo talaga kung paano ako hawakan sa leeg e no?”
“Katamaran mo kasi.”
Nang makarating sa tamang floor nakita kong nakaabang nga at nag-aantay si Cayote sa pintuan ng apartment. He is watching me like a hawk.
“Bakit ayaw mong gamitin yung pin?” simangot nito.
“Nakalimutan ko na.”
“08—”
“Shh!” putol ko sa kaniya.
Nilakihan niya ang pagbukas ng pintuan para makapasok ako. Mabilis na nailibot ko ang tingin sa loob. Nakita ko sa mesa ang tumbler na may lamang soup.
“Ininom mo na ba?”
“Hmm.” nagbuhos ito sa isang baso at ininom. “Thank you.”
“Kumain ka na then uminom ng gamot. Anong oras ang klase mo?”
“Eight thirty. Ikaw ba?”
“Same.”
Tumango siya saka isinara ang wala ng lamang tumbler. “Sabay na tayong pumasok. I'll just take a bath then we'll go.” naniningkit pa ang mga mata nito at halatang bagong gising.
“Okay.”
Pumayag naman ako. Mabilis lang naman gumalaw ang lalaki hindi tulad sa ating mga babae na ang dami pang kailangang isa-alang alang. Tinungo ko ang sofa at naupo na lang doon.
“I was really drunk last night. Ni hindi ko alam na kung sino ang naghatid sa akin pauwi.” kamot nito sa pisngi.
“Si Jude.”
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...