Hindi ko maialis ang mata ko kay Governor habang sumasagot ito sa mga tanong ni Maggie. Attentive ito at maligalig. Matalino din ito sa pagsagot sa mga tanong.
Hindi ko maipokus ang sarili sa camera. My eyes is fix to him. Ngayon kitang kita ko ang resemblance ni Cayote sa papa nito. The way he smile and throw a simple joke to us.
“I am an alumnus of this school. My kids studies here too. Nakakatuwang makita ang malaking pagbabago ng skwelahang to habang tumatagal. I even saw the banners outside. Nakakaproud na malaman na nangunguna ang eskwelahan na to sa pagpo-produce ng mga future educators. Kaya naman ang mga tulad kong may kakayanan na tumulong, hindi magda-dalawang isip dahil makikita mo naman ang resulta. Those faces outside made this school stand out among other school.”
Ang tinutukoy nito ang tarpaulin ng mga board passer sa bandang gate ng school namin.
“Hala, oo nga po gov. I can't wait to see my face hanging outside too. Hindi naman po ako nangangarap na may kadugtong na “valedictorian” atleast may gradute.”
“Are you graduating?”
“Opo. Kung papalarin.”
“Naku, iclaim mo na yan. Wag nang maraming what if.”
Tumawa si Maggie. “Salamat gov. Basta ba ho hindi ako iti-test ng mga temtasyon diyan.”
“Naku, mahirap nga yan.”
Natigilan ako ng lumingon ito sa amin. Bilang lamang kami na nasa silid kasama na ang kanang kamay nito at isang bodyguard.
“Sa ganiyang edad pa naman talaga maraming ganiyan. Sinasabi ko sa inyo unahin niyong makagraduate. The rest, makaka-antay yan.”
“Mukhang base po sa experience gov, ah.”
Governor chuckled. “Well, partly yes.”
“Kung ganun po, mas focus po kayo sa studies niyo before at walang time sa lovelife?”
Ang ngiti ni governor at ang matagal na pagsagot ay may pinpahiwatig kung kaya natawa kaming lahat na nasa loob.
“Naku, mababasa po to ng dati niyong teacher dito. Baka biglang pasinungalingan ang magiging sagot niyo.”
“Dapat nga yatang pag-isipan ko ng mabuti ang sasabihin ko. Kinakabahan ako.” tugon nito.
“Okay, ganito. Mas okay din kasing balanse yung buhay mo. Sa school kasi hindi maiiwasan ang stress. Kahit hindi ako achiever talaga noon hindi parin ako exempted sa stress na makagradute. Mas okay na may nagpapa-inspire din sayo. Siguraduhin lang na makakatulong sa inyo hindi yung dadagdag sa stress niyo. Hindi na healthy yun. Yung lovelife kasi dapat nagdudulot ng inspiration e.”
Natapos ang interview namin sa kaniya pagkatapos ng sampung minuto. Pumila kami para pormal na magpasalamat.
“Wait... kanina ko pa kasi gustong itanong.” natigilan ako ng napunta ang tingin niya sa akin.
“Anong pangalan mo iha? You seem familiar to me.”
Napaturo ako sa sarili. Medyo nagulat sa biglaan nitong pangingilala.
“Uh... Kate po. Kate Santiago.”
He tilted his head. “Santiago...you're taking what course?”
“uhm, Community Development po.”
“Oh! how did you come up to this organization then?”
“I wanted to be a journalist po.”
“Wanted? What about now? Why didn't you pursued it?” gulong tanong nito.
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomantizmDuring her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty guy like Cayote Eliseo. He made her come out from her comfort zone and experience what she's missing out for all those...
